Chapter six
Sa awa ng Diyos nakatulog ng mahimbing si Ana Maria sa unang gabi niya sa kasalukuyang panahon.
Malambot ang kama sa kwartong iyon at malamig ang paligid dahil sa high-tech na airconditioner nito.
Kinabukasan maaga siyang naligo at nagsipilyo. Mabuti nalang may ilang piraso pa siya ng damit sa loob ng lumang maleta niya.
Ngunit napangiwi siya nang ipagpag niya ang kanyang 1970's floral dress.
Ma-alikabok iyon. Kahit kakabili niya lang ito noong panahon nila nang mapadpad siya sa future lahat ng kagamitan niya ay naging luma.
Napabuntong hininga siya.
Paano niya isusuot ang lumang damit na iyon? Baka pagtawanan nanaman siya ng mga tao sa paligid niya?
Wala siyang nagawa kundi pagtiyagaan nalang ang floral dress na iyon
"Dibale na nga. Kahawig ko naman si Sharon Cuneta sa dress na ito eh" Pagpapalakas niya ng kanyang loob. Si Sharon Cuneta ang artistang idolo niya noong kapanahunan niya.
Pinagpag niyang mabuti ang dress na iyon bago niya isinuot.
Naghanap siya ng suklay sa loob ng kanyang maleta. Napangiwi siya ng makita niya ang kanyang suklay. Kinakalawang na ito.
"Ang hirap naman mabuhay sa future oh!" Reklamo niya
Sinuklay nalang niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok. Mabuti nalang dala-dala niya ang kanyang hairspray-net at mga hair pins. Hinding hindi kasi siya lumalabas ng bahay noon kapag hindi naka-ayos ang buhok niya.
Akmang pipindutin na niya ang hairspray-nang biglang mapaisip siya.
Kakaiba na nga pala ang usong hair-style ngayon?
Iniligpit nalang niya ang kanyang hair spray sa loob ng lumang maleta niya. Hinayaan nalang niyang nakalugay ang kanyang buhok na aabot lagpas ng kanyang balikat.
Kinuha niya sa isang maliit na kahon ang kanyang papel de hapon na pang pakulay sa kanyang labi. Noong panahon nila uso ang papel de hapon bilang lipstick ng mga kababaehan.
Binasa niya ang kanyang labi bago niya kinulayan ang labi niya gamit ang papel de hapon na kulay pula.
Maya-maya pa lumabas na siya ng kwarto at naisipan niyang magluto ng agahan para sakanilang dalawa ni Kelvin. Panigurado natutulog pa ito sa mga oras na iyon dahil bumalik pa ito sa bar at baka madaling araw na itong umuwi.
Naghanap siya ng mga pwedeng iluto sa kusina ni Kelvin. Mabuti naman at may mga frozen meat ito na pwede niyang i-prito.
Bacon, porkchop, egg at fried rice ang kanyang niluto.
Ngunit habang nagluluto siya napatingin siya sa taong nagbukas ng pintuan.
Its Kelvin?
Mukhang kakauwi lang nito!
"Ngayon ka lang?" Kunot nuong tanong niya
"Yeah" Walang ganang sagot nito
Pansamantala niyang itinigil muna ang pagluluto at nilapitan niya ito.
"Hindi ka pa natutulog?" Kunot nuong tanong niya
"Kung magtanong ka akala mo naman asawa kita" Bakas sa boses nito ang kalasingan. Namumungay din ang mata nito.
"Lasing ka?"
"Yeah i think so. Inaantok nako" Sinenyasan siya nito na tumabi sa dadaanan nito
"A-Akala ko sasamahan mo ako sa bahay namin?"
Napahinto ito sa paglalakad
"Nakalimutan ko. Bukas nalang" Balewalang sagot nito
Lahat ng pag-asa sa puso niya ay parang naglaho. Wala pala itong isang salita. Ang buong akala pa naman niya sasamahan siya nito
Tumahimik lamang siya.
Wala naman siyang karapatan magalit dahil nanghihingi lamang siya ng tulong.
Pa-akyat na ito ng hagdanan ng mapatingin ito sa malungkot niyang mukha.
Napabuntong hininga ito
"Lola hintayin mo ako. Maliligo lang ako"
Bigla siyang napatingin kay Kelvin dahil sa sinabi nito. Halatang antok na antok ito ngunit may nababasa siyang awa sa mga mata nito habang nakatingin sakanya
Napalunok siya. Hindi niya akalain na maawain pala ito.
"S-Sigurado ka?"
Tumango ito
"Smile. I don't like your face when you're sad" Anito bago ito tuluyan umakyat sa second floor
Unti unti siyang napangiti.
Bolero din pala ito katulad ni Toper.
"Wait!"
Hinabol niya ito papunta sa kwarto nito. Mabuti nalang at huminto ito
"Bakit?"
"M-Matulog ka muna kahit ilang oras. M-Maaga pa naman eh. Kahit anong oras naman pwede tayong pumunta sa bahay namin. Huwag lang gabi dahil maagang natutulog sila mama at papa"
A simple smile curve on his lips
"Thanks"
"A-Ako nga dapat magpasalamat sayo. Kasi sasamahan mo ako. Miss na miss ko na talaga ang magulang ko-"
Napasimangot ito nang may maamoy na parang nasusunog na pagkain.
"Ano yung amoy na yun?"
Namilog ang kanyang mata ng maamoy niya rin ang sunog na bacon!
"Naku po! Nasusunog yung niluluto ko!" Nagmadali siyang bumaba ng hagdanan. Dali-dali niyang pinatay agad ang apoy ng kalan.
Napangiti naman si Kelvin. Kakaiba talaga ang babaeng ito.
"She's a beautiful disaster.." sambit nito habang napapa-iling bago ito pumasok sa kwarto upang matulog na.
Limang oras na naghihintay si Ana Maria sa pag gising ni Kelvin. Nahihiya naman siyang gisingin ito. Lalo na sabado ngayon at araw ng pahinga nito.
Kaya naman naisipan niyang maglinis ng bahay nito kahit malinis naman ang bahay. Bored na bored siya habang hinihintay magising si Kelvin hangang sa nakatulog na siya sa sofa sa paghihintay kay Kelvin
Nakaka-isang oras na din siyang natutulog nang maalinpungatan siya dahil pakiramdam niya may nakatingin sakanya
Agad siyang bumangon nang makita niya si Kelvin na nakaupo sa tapat ng sofa na hinihigaan niya
"G-Gising kana pala!" Agad niyang inayos ang kanyang sarili.
Nakakahiya! Mukhang kanina pa siya nito pinagmamasdan habang natutulog siya!
"Hmm let's go?" Seryosong tanong nito sakanya. Para bang nabitin ito sa pagtitig sakanya?
Ambisyosa!
"S-Sige maghihilmos lang ako" Agad siyang tumakbo papunta sa kwarto niya. Hindi niya maintindihan kung bakit napakabilis ng t***k ng kanyang puso. Nakakatunaw kasi ng puso ang paraan ng pagtitig nito sakanya
Naghilamos siya at nagsipilyo muli. Nakaramdam siya ng pagkasabik dahil makikita na niya muli ang kanyang magulang.
Pagkatapos sumunod na siya kay Kelvin nasa loob na ito ng kotse nito.
As usual sa likod uli siya umupo.
"Anong address niyo?" Tanong nito bago nagsimulang magmaneho.
"143 mahal kita sampaloc manila"
Kumunot ang nuo nito at namula ang pisngi.
"P-Panay ka kalokohan. Ano nga?"
Napangiti siya. Akala siguro nito nagloloko lamang siya?
"Iyon nga ang address namin"
Napabuntong hininga ito. May kinalikot ito sa isang aparato na kung tawagin ay bell phone?
"Bell phone yan diba?"
"Anong bell phone?"
"Nakita ko yan ginamit ng immigration officer eh. Bell phone daw ang tawag diyan. Alam mo noon nung panahon namin? Mahirap ang komyunikasyon. Dinadaan pa namin sa liham. Ang iba naman na may kaya sa buhay nakakabili sila ng beaper"
"Cellphone hindi bell phone"
Napangiti siya.
"Ah cell phone ba? Ang rinig ko kasi bell phone. Wow itinuturo ng cellphone mo kung saan ang bahay namin?" Namangha siya sa galing ng teknolohiya
"Yeah. Its an application"
"Application? Ano yun?" Parang batang tanong niya
Napabuntong hininga nalang si Kelvin at hindi na sinagot ang kanyang mga katanungan
Maya maya pa huminto ang kotse nito sa tapat ng isang park.
"Bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong niya
"Nandito na tayo" Malungkot nitong sabi sakanya
"Pero hindi pa dito ang bahay namin. Baka mali ang cellphone mo?" Tumingin tingin siya sa labas ng kotse.
Isang park iyon. Mayroong mga palaruan para sa mga bata. May mga tao din nakatambay doon.
Napalunok siya ng mapatingin kay Kelvin
"Nandito na tayo sa bahay niyo."
"P-Pero park ito? H-Hindi maaari"
"Year 2017 na, What do you expect? Year 1980 ka nawala at marami nang nagbago. Yung dating bahay niyo isang park na siya ngayon dito sa Sampaloc"
Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Ibig sabihin totoo ang sinabi sakanya ng mga immigration officer?
Nanubig ang kanyang mga mata at hindi halos makapag salita. Napakabigat sa kanyang dibdib na isipin na wala na ang kanilang bahay.
Bumaba siya ng kotse.
Halos di na niya makita ang tanawin dahil nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa luhang naiipon doon
Sabay ng pagbagsak ng kanyang luha ang realisasyon na wala na talaga siyang babalikan pa.
Nasaan kaya ang kanyang mga magulang?
Napahagulgol siya at napaluhod sa park.
"M-Mama, Papa? Bakit hindi niyo ako hinintay?" Napayuko siya habang naghihinagpis
Napalingon siya kay Kelvin ng tapikin nito ang kanyang balikat.
"Hanapin natin ang parents mo"
Napahagulgol siya ng husto. Mabuti nalang at tinutulungan siya ni Kelvin.
"S-Salamat"
Nag tanong tanong sila sa mga tao baka sakaling may nakakakilala sa mga magulang niya.
Hangang sa nakita nila ang isang sorbetero. Matanda na ito at uugod ugod
"Manong pwede ho bang magtanong?" Tanong ni Kelvin sa sorbetero
"Oo hijo. Ano iyon?"
"Kilala niyo ho ba si Mang Felife Lopez? Yung nakatira noon dito bago ito gawing park?"
Tila nag isip ito
"Bakit niyo hinahanap si Felife?"
Nabuhayan sila ng loob ni Kelvin dahil sa sagot ng sorbetero
"Nagbalik ho kasi yung anak niya. Hinahanap po sila"
"Matagal nang panahong namatay ang mag-asawang Felipe at Maria. Sobrang ikinalungkot nila ang pagkamatay ng kanilang anak sa isang aksidente. Nawala nalang na parang bula ang sinasakyan nitong eroplano noon. Hindi matangap ng mag asawa ang pangyayari. Labis nilang kinalungkot ang pagkawala ng nag-iisa nilang anak"
Habang nag kukwento ang sorbetero tulo ng tulo ang kanyang luha. Para bang may pumipiga sa kanyang puso
"Dalawang taon matapos ang malagim na mysteryo nang pagkawala ng anak nila. Unti-unting nagkasakit ang mag asawa nawalan na sila ng gana sa buhay. Hangang sa ikamatay na nila ang kalungkutan. Maari ko kayong samahan sa puntod nila"
Napahagulgol siya ng malakas.
"Ayos lang ba siya?" Tanong ng sorbetero kay Kelvin habang umiiyak siya ng malakas. Halos ikabaliw niya kasi ang nangyari sa mga magulang niya
Inalalayan siya ni Kelvin. Napangiwi ito dahil sa lakas ng pag iyak niya. Halos lahat na kasi ng tao nakatingin sakanila.
"Na-dala lang siguro siya ng emosyon lolo" Palusot ni Kelvin
"Ganoon ba? Abay patahanin mo iyan baka isipin kung anong ginawa natin sakanya"
"Lola umayos ka. Pinagtitinginan na tayo" Bulong ni Kelvin sakanya
Ngunit iyak padin siya ng iyak
"Hindi ko ito matangap Kelvin.." Napahagulgol siya sa dibdib ni Kelvin. Niyakap naman siya nito upang patahanin siya
"Ano sasama ba kayo sa puntod nila Felife?"
"Oho sasama po kami"
"Kaso mamayang gabi pa. Dahil uubusin ko muna itong paninda ko bago ko kayo samahan--"
"Huwag po kayong mag alala lolo. Bibilhin ko na po kung magkano lahat yang ice cream. Basta samahan niyo lang po kami ngayon"
Napangiti ang lolong sorbetero
"Kung ganon. Halina kayo. Patigilin mo na iyang asawa mo sa pag iyak"
Nagkatinginan silang dalawa ni Kelvin sa sinabi ng lolo.
Sinamahan sila nito sa puntod ng kanyang mga magulang. Mas lalo siyang umiyak ng husto. Naghihinagpis ang kanyang puso. Halos yakapin na niya ang simento ng puntod ng kanyang mga magulang. Pakiramdam niya gumunaw ang kanyang mundo.
"Emosyonal pala iyang asawa mo ano?" Bulong ng sorbetero kay Kelvin.
Napangiwi lang ito habang inaalalayan siya.
"Maiwan ko na kayong dalawa. Salamat sa pag bili ng paninda ko"
"Salamat din lo" Inabutan ni Kelvin ng pera ang matanda.
"Nako sobra sobra naman ito?" Nagulat ito dahil limang libo ang iniabot ni Kelvin
"Maliit lang ho iyan"
"Pagpalain ka ng Panginoon. Magandang lalake kana nga at may mabuting puso ka pa. Kaso mukhang minalas ka sa asawa mo may kaunting tama sa utak" bulong ni lolo kay Kelvin.
"Ganyan lang po siya malungkot" Pinigilan nalang mapangiti ni Kelvin hangang sa maka-alis ang matandang sorbetero
Niyakap siya ni Kelvin habang umiiyak siya.
"You have to be brave. Hahanap tayo ng paraan para makabalik ka sa nakaraan. Maybe kapag nakabalik ka sa nakaraan baka makita mo pa silang muli. Don't lose hope.."
Bawat katagang sinabi ni Kelvin ang nagbigay ng lakas sa kanyang puso. Tama ito! Kailangan niyang bumalik sa nakaraan!
"Tulungan mo ako Kelvin"
"I will..." Hinagod nito ang kanyang likod.