Itinabi ni Kelvin pansamantala ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada. "Let's change" Anito bago nito hinubad ang light blue t-shirt nito na basang basa dahil sa malakas na ulan. Nakasimangot padin ito hangang ngayon. Halatang naiinis ito sakanya. Napatingin ito sakanya dahil hindi padin siya kumikilos. Nakatulala lamang siya rito. Hindi niya kasi alam kung mahihiya ba siya o magpapasalamat sa pagsagip nito sakanya. Napakunot ang nuo nito "What are you doing? Stop staring, just change your clothes. Don't wait for me to do it.." Utos nito sakanya Napayuko siya. "B-Basang basa din ang bag ko. W-Wala nakong ibang damit. Matutuyo din naman to" Napabuntong hininga ito na para bang nauubusan na ng pasensya sakanya. Mukhang naaalala lang nito kung bakit siya basang basa dahil sa katigasan