Chapter 16 "Nagtext na yung apo ko, ibalik na daw kita sa bahay niya" Napa-ubo si Ana Maria sa sinabi ni Felicia habang umiinom siya ng Kape. Kasalukuyan siya ngayong nasa bahay ni Felicia. Maganda ang bahay nito at masasabi niyang naging mayaman talaga ito. Hindi siya nito hinayaan umuwi sa bahay ni Kelvin dahil gusto pa raw siyang makasama at makakwentuhan nito. Itinuro din ni Felicia sakanya ang mga makabagong teknolohiya katulad ng pag gamit ng cellular phones. Buong gabi niya pinag aralan kung paano gamitin ang cellphone na ibinigay nito sakanya "Kinilig ka naman Ana Maria?" Taas kilay na tanong sakanya ni Felicia "Slight" Biro niya ngunit todo ngiti naman siya "Mukhang miss na miss kana ng apo ko ha? Anong gayuma ang ginamit mo sa apo ko?" "Ganda lang Felicia, Ganda lang ang