Pagbaba palang ni Ana Maria sa taxi na sinasakyan niya tumakbo na agad siya papasok ng bahay. "Miss teka bayad mo!" Sigaw ng taxi driver ngunit hindi na niya iyon narinig dahil nasarado na agad niya ng pinto ng bahay ni Kelvin Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil kanina pa siya umiiyak sa loob ng taxi. Hindi niya inakalang maaabutan niya si Kelvin na mayroong kahalikang ibang babae! Napakasakit sakanyang makitang niloloko lang siya nito! Tumakbo agad siya sa kwarto at dumapa sa kama. Ibinuhos niya lahat ng kanyang sama ng loob sa unan ni Kelvin. "Manloloko ka! Di mo muna hinintay makabalik ako sa nakaraan bago ka mang babae!" Pinagpapa-palo niya ang unan nito habang umiiyak siya Akala pa naman niya mahal na mahal siya ni Kelvin at hindi nito magagawa ang pagtaksilan siya "Mana