Naging maayos ang pagsasama ni Ana Maria at Kelvin sa mga sumunod na araw. Naging mabuti itong nobyo sakanya. Hindi na siya nito pinagtrabaho dahil ito na raw ang bahala sakanya. Ngunit siyempre upang makabawi siya nililinis niya ang bahay nito at pinagluluto niya ito ng masasarap na pag kain. Masaya ito dahil pakiramdam daw nito ay mag asawa na sila. Katulad nalang sa mga oras na ito. Nagluluto siya ng sinigang na hipon para kay Kelvin. Araw araw niyang pinagluluto ito ng masarap na ulam. Pinapabaonan niya din ito ng ulam upang may makain ito sa opisina. Ngunit kaninang umaga late na siyang nagising hindi niya tuloy ito napag luto ng almusal dahil pinagod siya nito buong gabi. Hindi siya nito ginising dahil alam nitong napagod siya. Tinext niya agad ito kanina pagkagising niya. B