Kabanata 52 “WOW! A new bed!” Bulalas ni Ammiry nang makita ang isang bagong higaan sa sala. Naroon pa sina Yolo dahil tumulong ang mga iyon sa pag-aayos ng bahay, sa pag-uwi nina Odette. Off naman ngayon ang mga iyon sa internship dahil nag-asikaso ng requirements para sa graduation. Odette didn't pay attention to it. Ang buong focus nito ay nasa paglabas sa ospital. Tila nga ba nawala na rito ang kaisipan ng pagtatapos sa pag-aaral. And as a consideration to her hard situation, Lex still decided to give her the full hours she needed to pass and graduate. Nakita naman daw ni Lex ang potential ni Odette. Iyon ang sabi sa kanya ng pinsan niya. Sinabihan niya si Dixon na asikasuhin na ang records ni Odette, at isantabi na nun ang personal matters. Oo naman ang naging sagot ng lalaki, at