Kabanata 39.1 Napatigil ito sa pagkukwento nang maramdaman siguro na buma-vibrate ang smartphone niya sa bulsa. “E-Excuse me for a while, babe,” kandautal niyang sabi rito. Nagpahid naman ito ng mga luha saka tumango. Tumayo siya at lumabas dahil may pumasok sa chapel. Ayaw naman niyang sa loob siya magdadaldal kaya sa may bukana siya tumayo, nalilito sa lahat ng kanyang narinig. Ang kanyang abogado ang tumatawag sa kanya, si Atty. Mariano. “Atty,” kaswal niyang sagot. “Lumabas na iyong nakabangga, Helios, hijo. Ang sabi ko ay ako ang tumatayong abogado ng biktima, tulad ng sabi mo.” “Right.” “Apparently, may mga testigo sila na nagsasabi na ang ina ay pinabayaan ang bata sa kalsada kaya nabangga.” “What?” “They make the story worse, hijo. Kung tama ang detalye na sinabi mo sa a