CHAPTER 40

1903 Words

LAURA POV OCTOBER 31, nagising akong wala na akong katabi at suot ko na muli ang ternong pajama ko. Bumangon ako na may malaking ngiti sa aking labi. “Maganda umaga sa atin, Laura!” nakangiting bati ko sa aking sarili. Inayos ko ang aking buhok at saka ako lumabas sa aking kʼwarto. Nakaamoy agad ako ng tuyo at nakita ko si Lola na nasa kusina. “Good morning po, Lola!” nakangiting sabi ko sa kanya at nagmano. “Maganda umaga rin, apo. Maligo ka naʼt uutusan kita mamaya.” Nangunot ang noo ko sa kanya. “Uutusan? Saan po?” tanong ko sa kanya. “Bumili ng sangkap na dadalhin natin bukas sa sementeryo, apo. Hindi makapupunta sa bayan sina Dina at Anthony dahil may inaasikaso sa palayan natin, kasama nila sina Garvin at Gavin, pero babalik din sila dahil sinabihan ko na sila,” sabi ni Lola

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD