LAURA POV NAGPAHINGA na muna kami dahil kainan na muna. “Letʼs have some rest first. Hinihingal na sila at dapat mag—usap ang grupo nila Gavin. Once pa lang sila nanalo. Kaya, Gavin, iho, do your best and your team, okay?” sabi ni tita Josephine habang malaki ang kanyang ngiti. “Kaya kumain na tayo! Tikman na natin ang mga luto nating lahat!” dagdag na sabi ni tita Josephine kaya pumunta na kami sa table na puno ng pagkain. “Baby, ako na bahala sa food mo.” Hindi na ako nakakuha ng plate dahil umeksena si Ninong Gavin. “Lahat ba ay kukunin ko, baby?” tanong niya sa akin habang nakapila kami. “Anong kukunin mo ang lahat, Garvin?” Biglang sumingit sa usapan namin si Ninong Garvin. “Hey, manahimik kayong dalawa. Kumukuha kayo ng pagkain ngayon. Ang daming tao sa paligid,” babalang sab

