LAURA POV ILANG linggo ang nakalipas nang mag—umpisa ang aming pagiging student teacher. Akala ko noong una ay hindi ako makakapasok sa first day ko sa Mabunga High School dahil masakit pa nga ang aking katawan ay kitang—kita pa rin ang aking kalmot, ang pasa naman ay kusang naglaho nang maglagay kami ng ice sa mga pasa ko. Tinulungan talaga ako nina Ninong Garvin and Ninong Gavin. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanilang dalawa. Never nila akong iniwan. Nasa tabi ko lang naman talaga sila. Kaya sa nakalipas na araw at linggo ay napadali ang trabaho ko dahil sa kanilang dalawa. Tinulungan din nila ako kaya napabilis ang pagiging student teacher ko. Kaya ngayon ay hindi ko namalayan ang oras at panahon dahil ngayong araw ay malapit na magpasko, ilang araw na lang. Hindi ko tuloy map

