GAVIN POV “SUMAGOT na ba si Laura sa iyo, Garvin?” tanong ko sa kanya nang ma—i—chat niya ang inaanak namin na hindi namin siya masusundo. Kailangan kaming dalawa sa mismong meeting na gaganapin na ngayong oras. “Yes, nagreply na muli siya. Makikisabay na lang siya sa kaibigan niya. Mukha kay Francheska. Alam naman niyang pamangkin din natin ang isang iyon,” sagot niya sa akin. Tumango ako at sabay tumayo. “We should go, Garvin. Kailangan na tayo sa meeting. Paniguradong maiintindihan naman ni Laura kung bakit hindi siya nasundo. Para naman ito sa kanyang future,” sabi ko sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “I know. To her future and future ng magiging anak natin!” madiin niyang sagot at lumakad na kami palabas ng office room namin. Nakita namin sina Ken and Kendrick na sumunod

