GARVIN POV NAKABALIK ako sa clinic, nandoon pa rin sina Rosy, Queen and Diane na nakabantay kay Laura na wala pa ring màlày. “We need to go,” sabi ko sa kanila at nilipat si Laura sa stretcher bed para malipat namin siya sa Lazaro Hospital para lalo siyang ma—check mabuti. Hinawakan ko ang gilid ng stretcher ni Laura habang mabilis kaming tumatakbo palabas ng campus, naka—abang na sa labas ang ambulance na maghahatid kay Laura. May napapatingin sa aming paligid, pero hindi ko sila binibigyang pansin. Ang tingin ko ay na kay Laura lang. “Garvin!” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Gavin, nakita ko siya sa gilid ko. “Is she okay?” pagtatanong niya sa akin. Kita ko sa mukha niya ang kaba roon. “Yes, sheʼs okay, Gavin. Sumunod ka na lang sa ambulance. Isama mo sila,” sabi ko at tinu

