LAURA POV LUMALAKAD na kaming dalawa ni Head Teacher Conti, siya ang magiging Professor namin sa Panunuring Panitikan at Pampahalagang Pampanitikan. Pangalan pa lang ng subject ay mukhang mahihirapan na kami. “Binilin ka sa akin ni Mr. Lazaro, Ms. Asuncion. Kaano—ano mo sila?” Tinignan ko siya at muling tumingin sa harap. “Um, may ninong po akong Lazaro. Kaya siguro binilin ako ni Mr. Lazaro sa inyo,” sagot ko sa kanya. Alam ko ang tinutukoy niyang Lazaro ay ang great grandparents nila Queen. Iyong nakausap ni Ninong Garvin noong enrollment. Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin. “Really? Inaanak, ha? Apo ba ng President ang Ninong mo? Or, isa sa mga anak or pamangkin niya?” May kakaiba sa kanyang boses. “Apo po, Prof. Conti.” Tinanguan niya ako at huminto na rin siya sa paglala

