LAURA POV NATAPOS na rin ang pagbili namin sa lahat ng nakalista sa binigay ni Lola sa akin. Pabalik na kami sa ilog para dalhin ang pinamili namin. “Laura, pʼwede ba tayong kumain muna bago natin puntahan ang pinsan mo? Narinig ko mula kay Garvin na may masarap kayong kinainan dito. Saan ba iyon para makatikim din at pinagyayabang niya sa akin ang tungkol doon,” sabi niya sa akin. “P—po? Pagkain? Kakain po tayo?” tanong ko sa kanya. “Yes, Laura. Narinig kong hindi ka kumain ng breakfast kaya can we eat kung saan man kayo kumain ni Garvin. Gusto ko rin matikman ang pagkain doon.” Napalunok ako sa kanyang sinabi. “Um, pʼwede naman po. Pero, si Diane po?” tanong ko sa kanya. Gagamitin ko si Diane para makauwi na kami. Pʼwede naman bumili kami pero take out na lang. “We can call her na

