LAURA POV “MAGING masaya ang ating Lazaro Party for this November!” pagtatapos na sabi ni Don Miguel, kaya nagpalakpakan kaming lahat sa kanyang sinabi. “But, this is the end. May sasabihing importante sina Garvin and Gavin. Pakinggan natin ang kanilang sasabihin.” Heto na. Aakyat na silang dalawa sa stage, then magsasalita na muna tapos saka nila ako ipapaakyat sa stage para ipakilala na rin sa ibang relatives nila. “Iha, just stay calm, okay?” malumanay na sabi ni tita Josephine at hinawakan ang aking magkabilang kamay. Tinignan ko si tita Josephine sa kanyang mga mata. “Ginagawa ko po, tita Josephine. Pero, grabe pa rin po ang kabog ng dibdib ko po,” sabi ko sa kanya. “I know the feelings, Laura. Iyong pinakilala rin ako nina German and Giovanni sa family nila, sobrang rin kumabo

