LAURA POV KINAUSAP ko sina Loloʼt Lola na may kailangan akong sabihin bago ang hapunan namin. Kailangan ko ng sabihin ang tungkol dito para payagan nila ako. Pumayag naman na si Ninong Garvin kong doon ako manuluyan sa bahay nila para wantusawa siya sa akin, kaya kina Loloʼt Lola naman ako magpapaalam. Kay Ninong Gavin naman ay okay na raw, pumayag na siya kanina, ayon kay Ninong Garvin. Siya ang kumausap dahil natatakot nga akong lumapit sa kanya. Sobrang scary talaga niya dahil siguro sa tattoos niya na sobrang dami. “Apo, ano ba ang sasabihin mo sa amin?” tanong ni Lolo sa akin nang nandito na silang dalawa ni Lola sa sala namin. Huminga akong malalim at naglakas—loob na humarap sa kanila. “Loloʼt Lola, alam ninyo naman pong gusto kong makapagtapos ng pag—aaral.” Tumango sila sa aki

