LAURA POV HINIHIMAS ko ang aking tiyan ngayon, sobrang laki na nito. Paano naman kasi ay siyam na buwan na ako buntis. Malaki at sobrang bigat na nito na halos hindi ko na kayong tumayo nang matagal, lagi na lang ako nakaupo. First week of October ang aking due date, pero parang manganganak na yata ako before pa tumuntong ang October dahil may times na kumikirot na rin ang tiyan ko. “Miss Laura, gatas ninyo po.” Tinignan ko si ate Regine. Nasa living room ako ngayon para makapagpahinga para mawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking tiyan. Hindi na rin muna ako natutulog sa second floor dahil nahihirapan na akong maglakad kaya pansamantala ay sa room kami rito sa may sala natutulog. Iyong room ko naman ay inayos na para maging room ng anak naming lalaki. Yes, lalaki ang pinagbubunt

