LAURA POV “CONGRATULATIONS!” Ibaʼt ibang tao ang bumabati sa amin ngayon nang ma—i—announce nila ang tungkol a kasal naming tatlo. Ngumiti lang ako sa kanila dahil hindi ko alam anong isasagot ko. Para akong nasa alapaap pa. “Garvin and Gavin, dapat ay pumunta na tayo kay tita Girly para mapasukatan na si Laura ng magiging wedding gown niya, hindi lang iyon dapat maging kayo at ang mga bridesmaids and magiging Ninongs at Ninangs ninyo,” sabi ni tita Josephine sa akin. “Mom, nasa isipan na namin ni Gavin iyon. We will contact her by February. We a lot of time to prepare para sa kasal namin, sa ngayon ay isipin muna natin ang pagpapalit ng taon. Countdown na,” sabi ni Ninong Garvin habang nakatingin sa malaking orasan sa stage. “10... 9... 8...” Nagbibilang na ang lahat habang nakating

