ALL OF ME 29 Pumasok na si Erickson sa opisina dahil isang buwan na siyang naka-leave. Ayaw niya pa sana kaya lang si Rhie na ang nag-udyok sa kanya. Bantulot man niyang iwanan ito pero sinunod na lamang niya. Panay pa ang bilin niya kay Rhie kaya napatawa na lang sa kanya ito. Maya't- maya rin ang kanyang pagtawag upang i-check ang asawa. Natatawa talaga si Rhie at parang kay saya- saya ang kanyang pakiramdam. Kasalukuyan siyang nagluluto nang paksiw na galunggong. Gagawa siya nang baon para sa asawa. Patapos na siya nang may mag-doorbell. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan iyun. Nagulat pa siya nang makita si Rom. "Rom!" Bulalas niya. "Hi!" Nakangiting sagot ng binata. "Pasok ka!" Wika niya at pinapasok si Rom. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya nang makaupo na sila.