I didn't bother asking kung bakit andito si Vincent kung nasa probinsya siya dapat, or anything. I just let him drive me to any place he knows where I could take all of my anger out. "May mga bagay dapat na hindi mo na kinikimkim para hindi ka mas lalong masaktan." Vincent said habang nagmamaneho, tinigil niya ang kotse sa harap ng tabing dagat at lumabas kaming dalawa, the night was cold for an almost summer season but it's comforting. Hindi ako umimik, umupo lang ako sa may buhangin habang hindi makapaniwala sa mga nalaman ko ngayong gabi, "masama ba ako?" Bigla kong natanong kay Vincent. "Hindi—" "Huwag kang sumagot, dapat hangin ka lang." Suway ko sa kanya. He zipped his mouth and nodded. "Masama ba akong tao? Bakit lahat na lang—as in lahat na lang ng minahamal ko sinasaktan a