Nakailang dial pa si Smile pero wala talagang sumasagot, kaya ang ginawa niya ay tinigilan muna ang pag-dial. Naglakad-lakad siya dahil tiyak niyang busy pa ang mga tauhan ni Don Eliazar, walang pag-asang maka-kontak siya kaya nagbabakasakali siyang may makitang kahit anong maaaring makatulong sa kanila. Tapos mamaya susubukan ulit niyang tumawag baka sakaling masagot na. May napansin siyang dalawang botelya na nakalagay sa loob ng tila freezer, pero maliit iyon. Tila pinasadya talaga para sa dalawang botelya na iyon. Umuusok pa nga ang loob niyon at kahit sa labas na bahagi kaya naisip niya na mini freezer iyon pero kakaiba nga lang. Kulay brown ang dalawang botelya. Ang isa ay kulay itim ang laman sa loob at ang isa naman ay tila kasing linaw ng kristal ang laman niyon. May kahoy na na