3rd Person's POV; "Cross tutulungan ka namin, pwede kayo pumunta ng ibang bansa para---." "Percy kahit saan kami pumunta siguradong mahahanap pa din kami ni dad at narinig mo ang sinabi niya pagtinulungan niyo kami siguradong pababagsakin niya ang kompanya niyo." Ani ni Cross. "Akala ko nakakatakot kana, may mas nakakatakot pa pala sayo ... hindi ko kinaya presensya ng daddy mo." Ani ni Iggy. "Ano ng balak niyo ni Arkhon?" Tanong ni Haru. "Maghahanap kami ng trabaho at ipagpapatuloy ang pag-aaral namin." Sagot ni Cross. "Oo nga pumasok kayong scholar siguradong kayang kaya niyo yun ni Arkhon." Sangayon ni Chase na kinabuga ng hangin ni Haru. "Ano namang alam niyo na trabaho?" Tanong ni Haru na kinatahimik ni Cross ng ilang segundo. "Sigurado naman na madami kami mapapasukan." Sagot