3rd Person's POV; "Nabayaran ko na lahat mageexam kana lang." Nakangiting sambit ni Arkhon matapos lumapit sa kasintahan na nakasandal sa pader at nag aantay sa kanya sa labas ng registar office. "Saan ka kumuha ng pera?Arkhon baka wala ng matira para sa sar---." Naputol ang sasabihin ni Cross ng kuhanin ng binata ang kamay niya at ibigay ang wallet. "Ikaw magbudget minsan kasi ginagabi na ako ng uwi." Ani ni Arkhon. "Arkhon nakikinig ka ba sak---." "Bukod sayo wala na akong ibang kailangan." Putol ni Arkhon bago inakbayan si Cross at magpatuloy sa paglalakad. "Bili na tayo ng mga gamit mo at uniform." Nakangiting sambit ni Arkhon ng---. "Hindi pa ako nakakapagentrance exam." Ani ni Cross. "Alam ko naman na makakapasa ka Cross." May tiwalang sambit ni Arkhon matapos guluhin ang bu