3rd Person's POV; "Room 402" Matapos makuha ng binata ang card key pokerface na naglakad papasok ang binata. Sumakay ito sa elevator hanggang sa makarating siya sa 12th floor at saktong pagbukas ng elevator hindi na nagulat ang binata ng walang kahit na sino ang nanduon. Tahimik lang ang binata hanggang sa tumapat siya sa isang pinto at buksan gamit ang isang card key. Cross Acosta's POV; "Hindi ko alam kung anong nangyayari pero malakas ang kutob ko na may tinatago ka sakin." Panimula ko matapos kong huminto sa living room ng makita ko si Dad na nakatayo sa harap ng glasswall at nakatalikod sakin. "Kahit gaano ka kalayo nagagawa ka pa din protektahan ng ina mo." Bulong ni Dad na kinabato ko sa kinatatayuan. "Binabantayan niya pa din tayo sa kabila ng mga nangyayari." Dagdag ni dad