Maaga akong nagising kinabukasan para makapag-handa ng agahan, siguro ay alas cinco pa lang ng umaga iyon, bago pa ako bumangon ay marahan kong hinalikan sa pisngi si Chase, bahagya naman siyang gumalaw at ngumiti nang maramdaman niya iyon tapos ay hinila ulit ako pahiga kaya natawa ako. Sinubukan kong kumawala pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin. “Chase, magluluto pa ako ng breakfast…” nangingiting saad ko. “Let’s sleep more, baby.” Sagot niya, halata sa boses na inaantok pa rin. “You can sleep more, but I have to get up now para makapaghanda na ng agahan.” Sagot ko naman sa kanya. “But I want to cuddle…” natawa ulit ako dahil doon. “We’ll cuddle later tonight, okay? May privacy na tayo.” Sarkastiko kong saad. “Ewan ko kung matutuwa ako sa mga tinuturo niyo kay Cha