This is another usual day wherein I don’t want to do anything. Pakiramdam ko ay pagod ko kahit na wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay. Sa katunayan ay tinatamad lang talaga ako. Si Chart ay nasa school, kahit naman talaga hindi siya pumasok ay ayos lang dahil saling pusa lang naman siya. But the smart kid even knows his schedule. Hinatid siya ni Chase kanina papunta sa school bago ito nagpunta ng trabaho, kaya akong mag-isa lang ang naiwan dito sa bahay. If I am not mistaken, Chase will only talk to his Dad about their business and he’s done for the day. Halos ang Papa na rin niya ang tuma-trabaho sa lahat at ang mga Tito niya dahil nakiusap siya kung pwedeng ako na muna ang alagaan niya. He also said that he’ll still work but not too much because he wants to focus on my pregna