Kasalukuyan akong nakaupo sa wine bar ngayon na nasa kusina lang din at umiinom ng freshmilk habang pinapanuod si Sara sa pagzu-zumba niya. Natutuwa ako dahil mabilis naming natapos ang mga kailangang gawin sa bahay kaninang pagka-alis ng mag-ama ko. Wala na rin naman kaming kailangang gawin maliban sa pagluluto ng tanghalian pero mamaya na siguro iyon, dahil bukod sa maaga pa ay madali lang namang gawin iyon. Kaya naman nagpaalam si Sara kung pwedeng mag-exercise na muna raw siya, natawa naman ako at sinabing hindi naman niya kailangang magpa-alam pa. Kesa naman mainip ako sa taas o mauod ng telebisyon sa sala ay nagpasya na lang akong makipag-kwentuhan kay Sara at panuorin siya. Iba rin pala talaga kapag may kasama ka sa bahay, bukod sa mabilis matapos ang mga gawaing bahay ay may naka