MAG-A-ALA UNA pa lang nang matanggap akong mensahe mula kay Chase na papunta na raw siya sa University. Hindi ko naman masyadong pinansin iyon dahil abala pa ako sa klase. Nang matapos ay agad ko ulit tinignan ang phone ko at may panibagong mensahe mula sa kanya, aniya’y nasa labas na raw siya at naghihintay. “Do you have any plans for today, Heart? Let’s hang out!” Maligayang saad ni Blake habang sabay naming tinatahak ang hallway palabas ng University. “I have plans with Chase, Blake. But you can join us if you want to.” Ngiti ko sa kanya, ngumisi naman siya at umiling. Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag sa naging tugon niya, hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay gusto kong kaming dalawa lang ni Chase ang magkasama ngayon, gaya ng lagi naming ginagawa noon. “I never dream of beco