NANGHINA AKO MATAPOS ang unang engkwentro ko kanina kay Chase. Kaya naman imbes na magmukhang kawawa sa kanila ay nagpaalam na rin ako agad na aalis. Kinuha ko na lang ang numero nila para kahit paano ay may koneksiyon pa rin kami. Gusto kong makapag-isip. Thinking about where to go and what to do, our place popped up in my mind. Bigla tuloy akong napaisip, kagaya pa rin kaya iyon ng dati? Nakaukit pa rin kaya ang pangalan namin ni Chase sa loob ng puso sa puno ng acacia? O baka binura na niya? Hindi naging matagal ang naging biyahe ko sa nasabing lugar dahil hindi naman ito kalayuan. Una kong napansin ang pagiging iba ng bakuran. Maayos na ito kumpara dati. I parked the car beside the lot and stepped out of Dad’s Fortuner. I roamed my eyes around and study all the minimal changes. Right