Sa katunayan ay hindi ko alam at wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta ni Chase, ang sinabi niya sa akin ay date daw, ang, ang daang tinatahak naman namin ay daan papunta sa opisina nila. Imposible naman siguro na sa opisina niya ako ide-date hindi ba? Bahagya akong natawa sa sarili ko dahil sa ideyang iyon. I mean, imagine how corny it is to date someone in the office? Who does that, anyways? I don’t know. I’m not even sure if there is. Pero agad din akong natigil sa pagiisip nang mapansing iniliko niya sa isang kanto tapos ay pinasok niya sa parking lot ng opisina nila. Nilingon ko siya pero nangingiti lang siya. Hindi na ako nagsalita o nagtanong man lang. Baka naman kasi may nakalimutan lang siyang kunin dito sa office na kailangan naming daanan bago niya ako i-date. Oo, sig