Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang kulay puting kisame, base sa amoy na nanuot sa ilong ko ay alam kong nasa ospital ako. Noong una ay hindi ko alam o maintindihan kung bakit ako narito dahil wala namang masakit sa akin, pero nang maalala ko ang nangayari ay mabilis akong napatayo mula sa hospital bed na kinaiigahan ko. Nakita ko si Chase na may kausap sa cellphone niya, nang makita niyang parang nagulat akong napaupo ay agad niyang ibinaba iyon at lumapit sa akin. “Hey, are you okay?” mahinahong saad niya. “Chase, si Chart? Si Miles? Ang mga bata, nasaan na?” agad na tanong ko sa kanya, hindi pinapansin ang tanong niya kung maayos lang ako. I don’t think that’s important right now. I want to know what happened before I passed out. I want to make sure