The Soldier & I Ai_Tenshi Part 14: Panganib "Sino ba kayo? Bakit niyo kami dinala dito?!" ang sigaw ko noong alisin ang duct tape sa aming bibig. "Oo nga saka anong kasalanan namin sa inyo?!" sabad naman ni Ed. "Wala kayong kasalanan, tres passing yang ginagawa ninyo. Ngayon sabihin nyo sakin kung sinong nag utos sa inyong dalawa na mag spy sa lugar na ito?" mahinahong tanong ng lalaking may balbas. "Ano ba yan frend, ang panget naman ng venue nila Turalba, kuta pala ito ng mga terorista bakit dito pa sila nag jugjug no. Aware ba sila na may mga sindikato dito?" bulong ni Ed sa akin. "Hindi ko alam no, malamang hindi sila aware na may ganito rito dahil puro kalibugan ang laman ng utak ng nilang dalawa." galit kong sagot. "Anong pinag bubulungan nyo?" pang uusisa naman ng lalaking bal