The Soldier & I Ai_Tenshi Part 12: Team Building "Oh anong nangyari dyan kay Adel?" tanong ni Jayson habang sinasalubong kami nito. "Lasing ba iyan?" "Hindi tol, mahabang istorya.. epekto lang ito ng tubig doon sa batis ng katotohanan na aksidenteng nainom niya kanina." paliwanag ni Turalba habang pinapasok ako nito sa loob ng cottage. Inasikaso ako ni Bryan, nilinis niya ang aking katawan at binihisan ng pantulog. Pinilit din akong painumin ng matapang na kape upang mawalan ang epekto ng tubig sa aking katawan. Samantalang si Ed naman ay abala sa pag kkwento ng buong pang yayari kina Jemwell at Jayson na nooy manghang mangha sa kanilang naririnig. "Kung gayon ay totoo pala talaga ang tungkol doon sa batis na nasa loob ng kweba. Ibang klase sana ay kumuha rin ako." wika ni Jemwell ha