Part 7: Ang Nilalaman Ng Puso

2232 Words
The Soldier & I Ai_Tenshi Part 7: Ang Nilalaman Ng Puso Sa pag lipas ng mga araw ay tila mas lalo pang napapalapit ang aking loob kay Bryan. Ngunit katulad ng dati ay mas pinipili kong itago ito dahil takot akong mabalewala lamang at masaktan sa unang pag kakataon. Basta masaya akong nandito sya sa aking tabi at ang nakakatakot pa ay tila nakakasanayan ko na ito na parang ang lahat ay nakadepende na sa kanya. Kahit anong gawin ko ay hindi ko ito maitago bagamat dinadaan ko lang sa galit at sa singhal ang lahat upang hindi niya mahalata. "Naku frend, amoy na amoy ang itinatago mong lihim na pag ibig dyan kay Sarge. Alam ko ang mga ganyan arte no. Syempre kinakausap mo ang sarili mo na kunwari ay naguguluhan o kaya nag tatalo ang puso at isipan sa mga bagay na dapat mong gawin. Pero ang totoo nun ay sure kana sa nararamdaman mo, idenideny mo lang. Maarte ka rin e, super as in." ang madaldal na wika ni Ed, hindi nya namamalayan na umalis na ako sa kanyang tabi. "Oyyyu frend nag bibiro lang naman ako e." pag habol nito. Nag patuloy ako sa pag lalakad ng mag isa, halos ganoon pa rin ang nilalaman ng isipan dahil magulo pa rin ito at walang pag babago. "Eh ano ba kasi inaarte mo frend?" tanong ni Ed na nooy sumulpot sa aking harapan. "Wala naman, marami lang akong iniisip." sagot ko naman "Katulad ng ano? Ng LOVE?" pang uusisa nito. "Love? Hindi ah. Wala namang dahilan para mainlove. At walang taong mag bibigay noon para sa akin." wika ko naman. "Weh! Nag deny ka pa dyan e, hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko ito mahalata. Bestie tayo diba? Ako si Miss USA at ikaw naman si Miss Philippines kaya nag kakaunawaan tayo kahit pang 2nd runner up lang ang beauty ko. At ngayon alam kong naguguluhan ka sa nararamdaman mo para kay Sarge. Huwag mo nga akong pinag loloko. Pepektusan kita dyan e." naiinis na salita ni Ed. "Eh bakit ba kasi mas marunong ka pa sa nararamdaman ko?" tanong ko naman. "Bakit ba kasi kailangan mo pang mag isip? Bakit hindi mo nalang hayaan na kumalawa ang damdamin mo para kay Sarge? Bakit kailangan mong labanan ito?" tanong ni Ed. "Bakit? Dahil mali ito. Sobrang mali! Sundalo si Bryan at hindi tama na mahulog ang loob ko sa kanya dahil nag tatrabaho lamang ito para sa akin at para kay papa. Paano kapag natapos na ang kontrata nya? Paano kung maisipan niyang lumayo sa akin? Sinong masasaktan sa huli? Ako rin ang malulungkot." sagot ko naman na tila hirap na hirap sa aking sitwasyon. "Basta, iiwasan ko siya.. At pipiliting kalimutan nalang lahat." "Ahayy, bakit naman? Bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo kung iyan ang tunay na nilalaman ng puso mo? Bakit isusuko mo na lamang? Pwes ako? Hinde! I wont give up Ram without putting a Godamn fight! Arrggghhhhh" sigaw nito dahilan para mag tinginan sa kanya ang mga estudyante sa hallway. "Bakit naka tingin kayo?Anong tinitingin tingin nyo dyan?" singhal nito habang namumulagat ang mga mata dahilan para mas lalo pang mag tawanan ang mga estudyante. "At bakit kailangan mo pang humiram ng linya kay Anne Curtis eh mas kamukha mo naman si Derek Ramsy?" tanong ko dahilan para mapatingin ito sa akin sabay hawak sa kanya mukha. "Sure ka ba dyan frend? Hawig ko ba si Derek?" tanong nito "Oo e, seryoso" sagot ko naman. "Meaning lalaking lalaki ang itsura ko?" natatakot na tanong nito "Parang ganoon na nga" pang aasar ko bagamat hindi naman talaga niya kamukha "I hate you na frend. Imbyerna kana.." pag mamaktol nya habang kunwari ay umiiyak Tawanan.. Halos buong araw naming pinag didiskusyunan ni Ed ang tungkol sa damdamin kong kasing gulo ng buhok niya. Nasa ganoong pag uusap kami ng dumating naman sa eksena itong si Turalba. Suot ang puting sando at kupas na maong pants. Pawis na pawis ito at halatang galing lang sa training mula sa kanilang kampo. Amoy na amoy ang kanya pawis na nag bibigay ng kakaibang atraksyon sa akin kaya naman tila naiilang ako kapag lumalapit ito sa akin. "Mukhang seryoso ang pinag uusapan nyo ah." bati nito habang umuupo sa aming tabi hawak ang isang boteng tubig. "Ah e oo, may isang bata kasi dito na gulong gulo sa nararamdaman niya. Itago nalang natin sa pangalang Adel." wika ni Ed. "Oh bakit naman? May problema ba boss?" ang tanong ni Turalba sabay akbay sa aking balikat. "Meron sana, yung basa mong buhok sa kili kili. Iyon ang problema." ang sagot ko sabay tayo. "Mabango naman ang kili kili ko ah, saka noong nakaraang gabi nga ay mag damag kang naka subsob dito." naka ngising sagot nito. "OMG! WTF! Tabi na pala kayong natutulog? My Gewdddd!!! Malihim ka talaga frend. Ibang level kana. Im sure naisuko mo na rin ang bataan!" hirit ni Ed. "Tado.. hindi mangyayari yang sinasabi mo. Aalis na nga ako." tugon ko sabay walkout palabas. "Anong problema ng isang iyon. Ang init yata ng ulo nya ngayon." tanong ni Turalba habang pinag mamasdan ako sa pag w-walk out. May kayabangang taglay talaga ang sundalong iyon. Biruin mo pati ba naman ang pag tabi ko sa kanya ERASE ERASE pag tabi nya sa akin sa pag tulog ay kailangan pang ipag malaki sa ibang tao. Para kung sinong gwapo kung umasta. Kung tutuusin ay mas gwapo ako sa kanya, mas maputi pa ako. Nag kataon lang na mas maganda ang kanyang katawan at mas matangkad siya sa akin. Walang mapag sidlan ang kanyang kaangasan. Im sure wala ni isang tao ang nag kagusto sa kanya sa Combodia. Taliwas iyon sa ipinag mamalaki nya sa akin. Ako lang yata ang nag kagusto sa lalaking amoy araw at amoy pawis. Erase ulit! Wala akong gusto sa kanya. Tahimik..                   Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay may napansin akong isang lalaking nakatayo sa labas ng campus. Halos kasing tangkad ko ito at kasing built ng katawan. Matangos ang ilong, mapula ang labi at maganda ang mga mata. Nahahawig sa artistang si Ken Chan. Ilang saglit ko rin itong pinag mamasdan hanggang sa tuluyan itong lumapit sa akin dala ang isang papel. "Excuse me, im looking for Bryan Turalba Jr. Dito ba siya nag aaral?" ang tanong nito. "At sino naman to?" tanong ko sa aking sarili. "Oo. nandoon sya sa loob." ang wika ko naman at hindi pa ako nakakatapos mag salita ng biglang umalis ang lalaki sa aking harapan at nag tatakbo ito sa gate kung saan palabas si Turalba. "Bry!!" wika nito at tuwang tuwang nag tatakbo sa amoy pawis na sundalo. Kitang kita ko naman ang abot tengang ngiti ni Turalba noong makita ang lalaking kapapasok palang sa eksena at doon ay nag yakapan silang dalawa na may galak at excitement. "Oh sino naman iyan frend? Nakupp nagyakapan pa. Nalintikan na!" tanong ni Ed sabay padyak. "Aba eh malay ko. Nakita ko lang ang lalaking iyan doon sa harap ng tindahan tapos ayan na, noong nakita si Turalba palabas ng gate ay nag tatakbo na ito patungo sa kanya." salita ko naman. Halos ilang minuto rin silang nag kakamustahan hanggang sa maya maya ay lumapit sila sa aming kinalalagyan at ipinakilala kami ni Turalba sa kanyang kasama na parang linta kung maka kapit sa kanyang braso. Gusto ko silang balibangin ng bato habang nasa ganoong posisyon, daig pa ang mag syota kung umasta. "Si Adel nga pala ang anak ng pinaka mataas na sundalo dito sa bansa, at ito naman ang kaibigan niya si Ed." wika ni Turalba habang ipinakikilala kami. "At ito naman Jemwell ang anak ng commander ko doon sa Cambodia. Naparito siya upang magbakasyon." dagdag pa nito. "Hi, nice to meet you Adel at Ed. At gusto ko lang icorrect yung sinabi ni Bry, naparito ako upang mag bakasyon kasama siya. Miss na miss ko na kasi ang utol kong ito." ang wika naman ni Jemwell sabay akbay sa amoy araw na sundalo. Halos tumaas ang kilay namin ni Ed habang pinag mamasdan namin ang dalawa na masayang nag kukumustahan, ewan parang may something sa kanila dahil mag buhat noon ay hindi ko pa nakita si Turalba na ganitong kasaya, kaibahan ngayon na abot tenga ang ngiti nito at idagdag mo pa ang kulay tisoy na linta sa kanyang tabi.Edi lalo ka lang maiinis. "Sino naman iyong si Jemwell? Mukhang close na close kayo ah." tanong ko kay Turalba habang nag ddrive ito pauwi. "Ah siya ba? Anak siya ng Commander ko doon sa bansang Cambodia. Parang ikaw rin siya, nakakatanggap din ng mga pag babanta kaya't ako rin ang inatasan upang maging pribadong taga bantay niya." paliwanag ni Turalba. "Ah parang ako rin pala siya, so meaning ay hinahalikan mo rin siya at niyayakap katulad ng ginagawa mo sa akin ngayon? Saka bakit pinuntahan ka pa nya dito kung tapos naman na ang serbisyo mo sa kanya?" sunod sunod kong pang uusisa. "Teka bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin? Nag seselos ka ba?" tanong nito. "Porket ganon ang tanong ko ay nag seselos na agad?" tanong ko rin. "Maaari, pero sige aaminin ko, lagi kaming nag hahalikan, ako rin ang naka virgin sa kanya." ang ngising sagot ni Turalba na may halong pag mamalaki, at sa kabilang banda ay akin naman itong ikina-bwisit. Parang may kung bagay ang tumusok sa aking dibdib. "Ah, so astig kana nyan? Mag kasintahan ba kayo? May namamagitan pa sa inyo? Umamin ka!!" galit kong tanong "Hahahaha huli ka.. Nag seselos ka nga talaga. Confirm. Pulang pula ang mukha mo sa galit oh. Biro lang ang sinabi ko kanina, hindi totoo nag hahalikan kami o may namagitan sa amin. Gusto ko lamang makita ang reaksyon mo kung sakaling sabihin ko iyon." sagot nito habang humagalpak sa pag tawa. "Grabe kang mag selos ah, para kang isang babae." hirit pa nito sabay nakaw ng halik sa aking labi. Hindi naman ako kumibo at tila napahiya rin ako sa aking inasal. Parang obvious na obvious yata na nagalit ako dahil sa ganoong bagay. Pakiwari ko tuloy ay alam na niya ang tunay na nilalaman ng aking puso. "Pasensya na sa pag sigaw ko. Nabigla lamang ako." mahinahon kong salita. "Okay lang, wala kaming relasyon ni Jemwell. Sayo lamang ako nag kaganito kaya't wala kang dapat ipag alala." paliwanag naman ni Turalba sabay gulo sa aking buhok. Noong mga oras na iyon ay pinilit kong iwaksi ang lahat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Paki wari ko ba ay tinamaan ako ng lintik lalo na kapag nakikita ko si Turalba na hawak ang kanyang cp at nag ttxt habang naka ngiti. Gusto kong agawin ang kanyang telepono at tingnan kung sino ba kausap niya. Ewan, ngunit malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ang Jemwell na iyon sa kanyang kasiyahan. At maging sa aking pag tulog ay naiisip ko ito, tila ba kumakabog ang aking dibdib dahil sa matinding kaba dahilan para hindi ako mapakali. Kaya naman bumangon ako at agad na nag tungo sa kabilang silid upang bisitahin ang taong laman ng isipan. Marahan kong binukas ang pinto ng kanyang kwarto ngunit laking gulat ko ng makitang wala tao dito. Wala si Turalba sa kanyang silid kaya naman agad ko siyang hinahanap sa sala o kusina. "Nasaan si Bryan?" tanong ko sa mga kasambahay. "Ser umalis kanina sakay ang kanyang sasakyan. Ang sabi nya ay pupunta sya doon sa party ng kaibigan niyang balik bayan galing sa Cambodia. Baka umaga na raw itong makauwi." ang sagot ng mga katulong dahilan para mas lalong mag kirot ang aking dibdib. May kung anong kaba at pag seselos ang aking naramdaman noong mga oras na iyon. Wala akong nagawa kundi ang umakyat sa aking kwarto at dito ay umiyak na lamang. Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot ng ganito, basta ang alam ko ay nasasaktan ako at wala akong magagawa kundi ang damhin ito hanggang hindi ko na maramdaman pa. Habang nasa ganoong pagkalungkot ako ay binuksan ko ang aking music player at nag patugtog ng isang kanta. Minsan kasi ay ang musika lamang ang maaaring mag salita tungkol sa iyong nararamdaman lalo't hindi ito kayang sambitin ng iyong bibig. I Cant Let You Go Cueshe I've been to many places I've met different races I've seen so many faces But it's you I can't forget I've been through high and low 'Til I got nowhere to go I got this funny feeling That it's you I'm still missing [Chorus] So baby come on don't let this go You know I love you so Don't throw away Let our love grow I can't let you go We've always been so strong We almost had it all Don't give up now on me Coz we will always be [Chorus 2x] Lets come to think of it Look at all we could miss Why cant let this happen Coz it's you that Im always in love with Oooooh, I can't let you go Oooooh, I wont let you go Oooooh, I'm never let you go Oooooh, I can't let you go Kinabukasan, maaga akong gumising upang bisitahin ang silid ni Turalba ngunit wala rin ito roon. Marahil ay masyado siyang naligayahan sa party ng kanyang kaibigan kaya't doon na ito nag palipas ng gabi kaya naman nag pasya rin akong gumayak at mag libot ng walang paalam. Nag desisyon akong sumakay ng taxi at mag tungo kung saan man ako dahil ng aking mga paa. Sa lugar kung saan ako mag kakaroon ng payapang pag iisip, yung malayo sa sakit at sa kalungkutan. itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD