The Soldier & I Ai_Tenshi Part 36: Special Unit Sumapit ang araw na pinaka hihintay ng lahat..Ang araw ng final training sa loob ng kampo. Lahat ng aming mga pinag aralan ay iaapply dito kabilang na ang firing, army basic combat, hand to hand at pati ang mga situational problems ay ihahain din upang masubok ang diskarte bawat isa. Mayroon ding group activity na kung tawagin ay "war event" kung saan mag kakaroon ng kunwaring pag lalaban sa pagitan ng asul at pulang panig. Isang linggo ang itatagal ng pag susulit at upang makuha ang final average o percentage ng score ay pag sasama samahin ang mga score simula noong unang exam hanggang dito sa pinaka dulo. Ang 30 na mataas ay siyang panalo at mabibigyan ng mga rewards at benefits kaya naman patay kung patay ang labanan. Halos lahat ay ay

