FLASHBACK ZEKE'S POV "Dad saan n'yo po dadalhin ang kapatid ko?" Umiiyak kong tanong sa ama ko habang hinahabol ito palabas ng pintuan. Bitbit niya ang kapatid kong kapapanganak palang ni Mama. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawing paglabas ng pintuan ni daddy. Mabigat sa dibdib. Lalo na ng humarap siya sakin na may luha ang mga mata. Halo-halong emosyon ang nakapaloob roon na hindi ko kayang basahin ngunit nangingibabaw ang sakit dito. "Dadalhin ko siya sa kumbento para maging ligtas siya. Hindi siya pwedeng manatili sa tabi natin, anak. Nakita mo ang ginawa ng mga kalaban sa mommy n'yo. Nawala ang mommy ninyo dahil hindi ko siya nagawang protektahan anak. Hindi ko siya nagawang ipagtanggol sa mga hayop na yon! Mas gugustuhin kong mawalay sa kapatid mo kung ang kapalit naman n