BREE'S POV Nagising ako sa isang kwarto na walang bintana. At ang tanging laman lang ng kwartong kinalalagyan ko ay ang kamang hinihigaan ko. Nakaramdam ako ng pagka-ngalay sa paa ko nang sulyapan ko ito ay nanlaki ang mata ko sa gulat. Naka-kadena ang isa kong paa. Sino ang gumawa sakin nito? Nakaramdam ako ng takot hindi para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko na nasa loob pa lamang ng sinapupunan ko. Nagbagsakan ang mga luha ko sa mata dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito. Lord, kung nasaan po ako iligtas n'yo po sana kami ng mga anak ko. Sana po gumawa po kayo ng paraan para malaman po ni Sebastian na nasa hindi kami magandang sitwasyon. "Hi, babe. Gising kana pala. Sana ginising mo ko." Napa-angat ako ng mukha nang marinig ang isang malalim at malaking bos