Chapter1
"Ano??! tama po ba ang narinig ko na hindi mo sa akin ibibigay ang pamamahala sa kumpanya?!" galit at gulat tanong ni Maria Claire sa kanyang ama.
"Tama nga ang narining mo!" sagot ng ama.
"Ako ang may mas karapatan na kumpanya!" ani Maria Claire sa ama.
"Ibibigay ko sayo ang gusto mo sa isang kondisyon!" wika ng ama na matalim ang tingin nito sa kanya.
"At ano?! ha?!" galit na galit na tanong nito sa ama. Bata pa lang siya ay hindi na talaga sila magkasundo ng kanyang ama, at pakiramdam niya ay ayaw talaga nito sa kanya.
"Kaialangan mong dumaan sa hirap bago mo makuha ang gusto mo!" sagot ng ama.
"Kamamatay lang ni mommy, at alam mo ba kung gaano kahirap tanggapin ang mawala siya sa akin! at para wala lang sa'yo ang pagkawala ni mommy!" sigaw niya sa ama.
"Wala akong kinalaman sa pagkawala ng mommy mo, at masakit din sa akin bilang asawa niya na mawala siya!" sigaw nito kay Maria Claire.
"So, sabihin mo na kung anong kondisyon ang gusto mong mangyari!" ani MC sa ama.
Tiningnan muna siya ng kanyang ama ng matalim na parang pinag-aaralan ang kanyang mukha.
"Kaialangan mong pumasok bilang isang kasambahay, at ito lang ang nag-iisang kondisyon na ibibigay mo sa'yo, sa loob lang ng tatlong buwan!" madiin ang pagbangit ng ama sa mga binitawang salita.
"ANO???!!! "Sigaw ni Maria sa narining mula sa ama. Mula bata pa siya ay nagagawa niya ang lahat ay nakukuha niya, dahil sa kanyang ina. Pero ngayon parang magiging empeyerno na ata ang buhay niya sa pagkawala ng kanyang ina.
"Narinig mo ang mga sinabi ko, at hindi ko na uulitin pa, tandaan mo tatlong buwang kang magtatrabaho bilang kasambahay at huwag na huwag mong gagamitin ang pangalan ng pamilyang ito!" banta at pananakot ng kanyang ama sa kanya.
"Puwede akong magtrabaho sa kumpanya sa pinakamababang posisyon, pero ang magiging kasambahay ay baka hindi ko kakayanin! alam mong pinalaki ako ni mommy na may mga yaya!" sigaw nito sa ama. Sukdulan na ang galit niya sa kanyang ama.
"Noon 'yon pero ngayon wala na ang mommy mo, kaya ako na ang masusunod sa lahat!" sagot ng ama niya.
"At kung hindi ko gagawin ang pinapagawa mo? aber?!" sigaw niya sa ama.
"Puwis! mamila ka, mapupunta sa step sister mo ang pamamahala ng kumpanya at nasa mababang posisyon ka? or gagawin mo ang gusto ko?" tanong ng ama.
Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang ama. At hinding-hindi siya papayag na mapunta sa anak sa labas ng kanyang ama ang para sa kanya!.
"Ito ang tatandaan mo! papayag ako sa tatlong buwan! tatlong buwan na magtitiis ang para makuha ko ang para sa akin! at hindi mapupunta sa bastarda mong anak!" galit na galit na naiiyak na sigaw ni Maria sa ama.
"From now on. Lahat ng cards, car at condo mo ay ibabalik mo sa akin, ibabalik ko sa'yo ang lahat kapag nakakompleto mo na lahat ng pinagawa ko sa'yo. Take note wala kang hihingan ng tulong kahit kanino para makapag-apply ka bilang task mo, at kapag may nalaman ako pasensyahan tayo. May tauhan akong magbabantay sa'yo." saad ng ama.
"Ok, fine! 'yan ang gusto mo d'ba? pagbibigyan kita, basta tuparin mo ang lahat ng sinabi mo kapag nagawa ko na ang pinapagawa mo!
"Good!" tipid na saad ng ama.
"Ito! Ito! ito! ibabalik ko sa'yo ang lahat ng ito fow now, dahil balang araw ibabalik mo rin sa akin ang mga ito!" ani Maria Claire sabay lapag ng kanyang mga card, key car at card ng kanyang condo na bigay ng kanyang ina.
Tatalikod na sana siya ng may pahabol pa ang kanyang ama.
"Tandaan mo after three months darating na ang kapatid mo sa bansa." wika ng ama.
Natigilan lang si Maria. Hindi na siya nagsalita pa sobra na sakit ng kanyang naramdaman, nawala ang kanyang ina tapos ganito pa ang kanyang mararanasan sa kanyang ama. Kuyom ang kanyang palad at umakyat ito sa taas para makapag empake ng kanyang gamit na dadalhin sa pag-alis niya para bukas ay makakahanap na siya ng trabaho. Alam niyan mahirap ang gagawin niya pero wala siyang magagaw lahat ng para sa kanya ay nakasalalay sa trabahong gusto ng ama niya.
-- -- -- --
HILLS MANSION
"No! No! I hate you!" sigaw ng isang bata na nakakabulabog sa buong bahay.
"Xiah, please makinig ka naman sa amin." pagmamakaawa ng yaya nito, dahil sobrang maldita ng batang alaga niya. Lahat ng gusto ng bata ay binibigay ng Daddy nito. Nakailang katulong na rin ang umalis dahil sa sama ng ugali ng bata. Walang nakakatagal sa batang ito.
"I said no!" sigaw ulit nito.
"Anong nangyayari rito?" isang tinig ng lalaki na kahit malayo pa lang ay alam na alam na nila kung sino at halos ang mga kasambahay nito ay takot na takot rito, lalo na kung ang anak nito ang pinag-uusapan.
"Sir, ayaw po kasi niyang kumain." nauutal na saad ni Maricel sa amo.
"Daddy, ayaw ko sa kanya, ang pangit niya at ang itim!" sigaw ng bata sa kanyang yaya.
"S-Sir...hindi na po ako magtatagal sa bahay ninyo. Hindi ko po kaya ang ugali ng anak ninyo." mahinang saad ng yaya nito.
"Kung hindi mo kaya ang ugali ng anak ko, malaya kang umalis." saad ni Mr. Hills.
"Salamat po." ani Maricel.
"Paul, ibigay mo ang sahod niya. At ngayon bukas na bukas maghanap ka ng kayang alagaan ang anak ko, at sisiguraduhin mong hindi tatanga-tanga!" mahigpit na bilin ni Mr. Hills kau Paul na siyang kanang kamay niya.
"Sige. Sir." sagot nito. Halos takot ang mga tauhan nito sa kanya kaya iilan lang talaga ang magtatagal sa anak nito at dahil na rin nakakatakot ang ama ng bata.
"Manang alagaan niyo muna si Xiah, at huwag na huwag ninyong alisin ang paningin sa bata." utos nito sa mga kasambahay niya. Tumalikod na ito at pumunta sa kanyang opisina na nasa taas ng kanyang napakalaking bahay.
Pagdating niya sa taas ay kaagad siyang nagsalok ng kanyang mamahaling alak at kaagad niyang nilagok iyon. Marami siyang iniisip ngayon, at problema, sumabay pa ang kanyang anak. Walang nakakatagal sa ugali ng bata dahil sa kagagawan din niya. Lahat ng gusto nito ay nakukuha at nasusunod nito. Kailagan niya ng yaya ng anak na kayang-kaya sabayan ang ugali nito.
-- -- -- --
Maaga pa lang ay naghanap na ng trabaho si Maria , wala siyang sinayang na oras dahil tatlong buwan lang ang palugit niya. Inihanda na niya lajat ng kailanganin niya sa pag-aapply at mga gamit niya. Dala-dala niya 'yun lahat. Ang init ng panahon hindi siya sanay sa mga ganitong pangyayari pero no choice siya. Kung susuko siya mawawala ang lahat ng para sa kanya. Sakto sa kanyang paglalakad ay may nakita siyang agency na kung saan puwede siya mag-apply. Pumasok siya kaagad at pasalamat siya at may aircon nalamigan siya kunti. Mamumula na ang kanyang balat. Sakto lang din ang pera niya, dahil wala siyang cash lalo na wala na siyang limited card.
"Good morning po." bati ni Maria sa babaeng nasa front desk
"Good morning din, anong sa atin?" tanong kaagad sa kanya.
"Ma'am, mag-aapply po sana ako ng trabaho, any vacant po kung meron." magalang na sagot niya.
"Sure ka?" tanong ng babae. Tiningnan muna siya mula ulo hanggang paa. Dahil parang wala sa pagkatap niya ang mahirap.
"Opo." tipid na sagot niya.
Tiningnan naman ng babae kung anong available na work ang maioofer niya kay Maria.
"Yaya ka mo ba?" tanong kaagad sa kanya ng babae.
"Po?" gulat na tanong niya, e...anong alam niya sa pag-aalaga ng bata eh wala siyang mga pamangkin na naalagaan man lang.
"Yaya lang ang available namin sa ngayon. Kung gusto mo ay puwede ka ng magpa- enterview ngayon din." saad ng babae.
Nag-isip muna siya paano kaya? kaya kaya niya? Pero wala na siyang time pa para maghanap ng iba. Wala.siyang matutuluyan mamaya wala run siyang sapat na pera. Bawala siya humingi ng tulong kahit kanino. Kaya kailangan niyang patusin ang trabahong iyon. Siguro naman ay mabait ang bata. "Bahala na sa isip niya."
"Sige papayag na ako." sagot niya.
May tinawagan ang babae, at naghintay muna siya alam niya na ang magiging amo niya or ang mag interview sa kanya ang tinawagan siguro niya. Sana lang ay mapunta siya sa mababait na amo at mabait na batang aalagaan niya.
"Hintayin mo ang secretary ng magiging amo mo at pupunta naa siya." saad ng babae. Tumango lamang siya. "Bakit ang secretary? mayaman ba ang amo niya?" sa isip-isip niya.
Mga ilang minuto lang din ang nakalipas at dumating na nga ang hinihintay niya.
"Sino ang nag-a-apply?" tanong kaagad ng kararating na lalaki. Akala tuloy ni Maria ay ito ang amo dahil sa panlabas na anyo ang guwapo at ang tikas nito. Parang alagang gym ang katawan.
"Siya." sabay turo sa kanya ng babae.
"Ikaw?" kunot noong tanong ng lalaki sa kanya. Gulat naman si Maria at baka kilala siya nito.
"O-Opo." nauutal na sagot ni Maria.
"Sure ka?" tanong ng lalaki.
"Opo. Sir." sagot niya. Tiningnan nito ang kanyang resume sabay tingin sa kanya kula ulp hanggang paa. Sana hindi nito mapansin na peke lahos lahat ng masa resume niya. Kaagad naman siyang ininterview at sinabi sa kanya lahat ng kanyang gagawin kung kaya ba niya or hindi. Dahil no choice na siya kaya oo lahat ng sagot niya.
"Saglit lang at tatawagan ko lang si sir." wika ng lalaki kay Maria.
"Sir, may nahanap na po akong mag-aalaga kay Xiah." ani Paul kay Mr. Hills.
"Good! siguraduhin mo lang na kayang-kayang alagaan ng anak ko ng yayang iyan at hindi sakit sa ulo ang ibibigay sa akin! kilala mo ako!" ani Mr. Hills kay Paul.
"Yes, Sir." sagot niya.
"Pag-umpisahin mo na ngayon, kailangan ng anak ko ang magbabantay sa kanya." utos ni Mr. Hills.
"Sasabihin ko sir." ani Paul, at pinatay na nito ang linya.
"Mag-uupisa ka na ngayon." ani Paul kay Maria.
"As in now na?" tanong niya.
"Yes." ani Paul.
"Ok. Sige." ani Maria. Sakto at wala na siyang matutulugan simula ngayong araw na ito. Sapat na sapat lang ang pera niya.
"Ako nga pala si Paul." pakilala nito kay Maria.
"Maria." saad naman niya.
-- -- -- --
Pumasok ang sasakyan nila sa malaking gate ng mansion na iyon. Nalula naman si Maria sa laki ng bahay. Mayaman ang napuntahan niya at alam niyang hindi basta basta ang pamilyang ito. Mayaman na sila pero parang kalahati or wala pa ata sa kalahati ang yaman nila sa yaman ng magiging amo niya..
"Dito na tayo." ani Paul. Kabado si Maria parang nag-aalangan siyang bumaba parang gusto na niyang tumakbo palayo, pero kapag gagawin niya 'yon mawawala na ang lahat sa kanya. Kaya nilakasan niya ang loob niya bago umapak sa lupang iyon.
"Tulog pa si Xiah, ang batang aalagaan mo. Sasamahan kita kina manang para ilagay ang mga gamit mo sa room mo." ani Paul. Sumunod naman siya. Pinakilala siya sa mga kasamahan niya sa bahay.
"Manang ikaw muna bahala sa kanya. Mamaya ay ipapatawag ko na lang siya kapag kausapin na siy ni Sir." ani Paul at umalis na. Parang nangangatog na ang tuhod ni Maria sa narinig na kakausapin siya ng magiging amo niya.
"Manang, mabait po ba si sir?" lakas loob niyang tanong sa matanda. Biglang natahimik ang matand. Parang alam na niya kung ano ang ugali nga amo niya base sa anyo ng matand. Hindi pa siy nakakaupo ay tinawag na siya at kakausapin daw siya ng magiging amo niya.
Si Paul na nagbukas ng pinto para sa kanya. Nakatalikod si Mr. Hills. Parang gusto ng lumipad ang kaluluwa ni Maria, kahit nakatalikod ang amo niya ay kitang-kita ang laki ng pangangatawan nito ang tangkad na parang mafia tinding nito.
"Sir, hihintayin ko na lang kayo sa baba." ani Paul.at umalis na. Naiwan silang dalawa sa loob ng opisina nito sa taas ng bahay.
"Magan....
"Una, ayaw ko ng tatanga-tanga!" putol nito sa sasabihin ni Maria sana.
Boses pa lang nito takot na si Maria parang gusto na niyang matunaw ngayon din.
"Second, ayaw kong makitang sinasaktan at umiiyak ang anak ko!"
"H-Hin..di...
"Hindi ko sinabing magsalita ka kapag nagsasalita ako!" putol ulit nito sa sasabhin ni Maria.
"Bweset ka!!!! sigaw ni Maria.