Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin makalimutan ni Meghan ang ekspresyon sa mukha ni Nick noong bigla siyang pumasok sa silid nito. Nangahas siyang gawin ang bagay na ‘yon kasi gusto niyang may baon sa kanyang pag-alis. Hindi siya umalis dahil gusto niyang magpasuyo kay Nick. Umalis siya kasi gusto niyang mahanap ang kanyang sarili. Ilang taon din kasing umikot lang kay Nick ang kanyang buhay, at ilang taon na din ang nasayang dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na kadalasang ginagawa ng mga kaedad niya. Sinubukan niyang huwag makibalita kay Manang Merlie tungkol kay Nick dahil ayaw niyang isipin ang lalaki. Bagama’t si Nick pa rin ang laman ng kanyang puso, hindi siya pwedeng umasa na sila ang magkatuluyan. Na-realize niya na hindi pwedeng siya lang ang magmahal sa kanila