Nainis si Meghan dahil nang makapasok sa loob ng bahay ang kanyang mga bisita ay biglang umepal si Margaret. Inagaw na nga nito si Nick mula sa kanya, tapos mukhang may balak din itong magpapansin kay Michael at sa buong team nito. Imbest na matuwa siya dahil binisita siya ng kanyang iniidolo at bitbit pa nito ang lahat ng kasamahan, naimbyerna siya sa inasal ni Margaret. Pabalik-balik ito sa sala at nagdala ng kung anu-anong merienda, as if mga patay-gutom sila ni Michael! “Pagpasensyahan mo na ang bago naming katulong,” nilakasan ni Meghan ang kanyang boses nang humingi siya ng paumanhin kay Michael Ragusta at batid niyang hindi nagustuhan ni Margaret na tinawag niya itong katulong. “It’s okay. Ito nga pala ang pasalubong ko para sayo,” sabi ng lalaki at inabot ang isang maliit na kaho