Kabado si Nick habang hinintay ang doctor na nag-asikaso kay Meghan sa loob. Nagpalakad-lakad siya at hindi mapakali. Ilang oras ng nasa loob ang babae ngunit wala pa siyang narinig na kahit ano. Naupo siya, at pagkalipas ng ilang minuto ay muling tumayo. Silently, he prayed that Meghan and the child would be alright. Ilang beses siyang napabuntonghininga habang naghintay ng magandang resulta. Nang makita niyang lumabas ang doctor, kaagad niya itong nilapitan at tinanong. “Kumusta po siya, Doc?” “She’s fine, but she has a miscarriage. I’m sorry,” sabi ng doctor at tinapik nito ang kanyang balikat. Muntik nang suntukin ni Nick ang dingding ng hospital dahil sa nalaman. Kasalanan niya kung bakit nawala ang kanilang anak ni Meghan. Kung sana’y kaagad niyang inayos ang gusot nila ni Margar