Pagkatapos iparada ang dalang sasakyan sa garahe ay tumuloy sa Master's Hall sina Alexander at Nicholas kung saan naroon ang kanyang silid at ang bar. Paliko na sila sa pasilyo nang makasalubong niya si Merlie. "Manang, malinis ba ang guestroom malapit sa pool?" Balak niya kasi na doon na muna si Alexander. "Yup, 'yong blue room po ang available." Sumagot si Merlie pero hindi na muna niya sinabi na may bisita si Meghan at nasa pool kasama si Emma. "Salamat, Manang. Pero teka, bakit gising pa kayo hanggang ngayon?" Nagtaka si Nick kung hindi pa nagpahinga ang matanda gayung malapit ng maghatinggabi. “Hihintayin ko muna sina Meghan,” sumagot si Merlie. Nagpang-abot ang kilay ni Nick dahil sa sinabi ni Merlie sa kanya. “Sina Meghan? Bakit, nasaan ba siya?”