"WHAT the f**k, Lucy!" gulat na bulalas ko ng magisnan ang mukha ng Luna ng DarkStone sa aking tabi kinabukasan. I immidiately got up but only to shriek as I realized that I was at the edge of the bed. Huli na upang mangunyapit. Tuluyan ng sinambot ng sahig ang aking katawan. Ugh! Asar na mabilis akong bumangon upang sugurin ang aking stepsister ngunit inunahan ako nito. Lucy suddenly jumped down from the bed giggling and landed beside me. I hissed. Tsss! Pasaway talaga! "I already solved the riddle, Kat! Alam ko na kung ano ang sagot sa clue ni Auntie Selene!" Agad akong kumalma nang marinig ang ipinahayag nito. "Alam mo na ang sagot sa clue?" My own voice suprised me. Bagamat garalgal pa rin iyon ay hindi na ako nakakaramdam ng pananakit ng lalamunan kapag nagsasalita.

