Naramdaman ni Kath ang mga kamay ng binata na siyang humihila sa kaniyang mga kamay. "Get off on her!" sigaw pa nito kay Mark. "Raze, ano ka ba? He's just want to be nice on me kaya walang masama doon." wika pa ni Kath sa binata habang pinipigilan ang binata na makalapit kay Mark. Hinila na lamang ng binata ang dalaga papalapit sa kung saan ang kotse niya. "Sakay." utos pa nito. Agad na pumasok ang dalaga sa kotse ng binata. Ramdam na ramdam niya ang galit ng binata at ang init ng ulo nito na animo'y nawala na sa katinuan. Agad na pinaandar ni Raze ang kotse papunta sa condo niya. "Saan tayo pupunta?" tanong nito kay Raze. "Hindi na importanti kung saan tayo pupunta. Ang mahalaga'y mailayo kita sa lalaking iyon. You don't know him." anito habang pokus sa pagmamaneho. Maya-maya p