Kabanata 5

2462 Words
"Khara, ano nasa bahay pa ninyo si Lander?" tanong sa kanyang ni Aling Carmen. Nakasakay na sila ng tricycle at patungo na sa palengke. "Wala na ho. Ang nasa bahay na lang si Katarina at ang sabi niya umalis na si Lander. Baka hindi lang sila nagkasalubong ni Mang Tomas." Tumango-tango si Aling Carmen sa sinabi niya. Nasa labas naman at nakaupo sa likod ng tricycle driver si Mildred na kapatid ni Melissa. "Hindi ka ba natatakot sa kinatatayuan ng bahay ninyo, Khara? Malayo kayo sa mga kapitbahay ninyo. Paano kung may mangyari sa iyo kapag buntis ka na, hindi ka kaagad malalapitan ng mga kapitbahay ninyo ni Lander." "Kaya nga ho, manang. Eh, doon naman kasi namin pinili ni Lander na magpatayo ng bahay dahil iyon ang lupang sinasakupan ng pamilya niya. Tatlong bahay lang naman ho ang layo sa mga kapitbahay, manang. Maganda na rin ho iyon at medyo malayo ako sa ingay ng mga nag-aaway naming kapitbahay." Tumawa si Aling Carmen sa sinabi niya. "Kunsabagay may punto ka naman, Khara. Bilib ako sa inyo ni Lander dahil masipag siya at ikaw naman masinop sa pera. Alam mo talagang pinagtagpo kayo ni Lander sa isa't isa." Natutuwa siya habang pinapakinggan si Aling Carmen. Maswerte nga talaga siya kay Lander dahil masipag ito at hindi naman mapili sa trabaho. Nakarating na sila sa palengke. At sa suki nilang si Aling Mirasol sila nagpunta. Inilabas naman ni Mildred ang listahan ng bibilhin nila. Nakasulat iyon sa papel ng grade one dahil grade one ang anak ni Melissa na panganay. "Khara, Carmen, Mildred, ano ang bibilhin ninyo?" masayang tanong ni Aling Mirasol sa kanila. "Ito ho ang listahan, manang," sabi ni Mildred na ibinigay dito ang papel. "Aba't kayraming gulay naman yata nito? Anong okasyon?" tanong nito habang isinusulat ang mga presyo ng bibilhin nila. Kumuha ng plastic si Khara at nagsimulang mamili ng patatas, carrots, baguio beans at celery. Habang si Mildred naman kumuha ng mga repolyo, sibuyas at bawang. Si Aling Carmen naman tinabihan si Aling Mirasol upang makahingi ng discount. Napansin ni Khara na may pinag-uusapan sa kabilang tindahan. Tungkol daw sa mag-asawa at sa kalaguyo nito na kakilala ni Aling Mirasol. "Iyan na naman ang kuwento tungkol sa hipag ng asawa ko, Khara. Itong si Edna raw nahuli iyong mister niya na nakapatong sa pinsan niyang si Betchay, iyong nagtitinda ng isda sa may labasan. Hindi ako makapaniwala sa kuwento pero totoo pala talaga akala ko nga tsismis lang." Kinilabutan si Khara sa kanyang narinig. "Ang sakit naman ho no'n Aling Mirasol. Eh, ao ngayon ang nangyari kay Edna?" "Kahapon ipinabarangay na raw ni Edna iyong pinsan niya mismo at iyong asawa niya. Kawawa nga iyong anak ni Edna na grade six dahil sobrang naapektuhan sa tsismis ng mga magulang niya at tiyahin. Hindi na nga raw pumapasok sa eskuwelahan," pagkukuwento pa ni Aling Mirasol. "Grabe naman ho, manang," ani Mildred dito. "Ang bababoy nila, ha. Kung sa akin iyon ginawa ni Berto baka pinutulan ko na. Mabuti na lang at matitino naman ang mga kamag-anak ko." Bumuga siya nang malalim at ipinagpatuloy ang pamimili ng magandang patatas. "Mabuti itong si Khara walang problema sa asawa niya," sabi ni Aling Carmen. "Mabait iyong kapatid niyang si Katarina at kapatid kung ituring ni Lander." "Nasabi mo pa ho, manang. Siguro kaya iyan nangyayari sa iba dahil sa matinding kalibugan. Naiinis ako sa mga ganyan na usapan, manang," seryosong aniya rito. "Eh, paano naman Khara kung isang araw itong si Lander mambabae?" pagbibiro ni Aling Carmen. "Naku, hindi iyan magagawa ni Lander sa akin Aling Carmen. Kung magawa man niya sigurado ako na hindi ko na siya patatawarin. Mag-aasawa na lang ako ng Amerikano. At siguraduhin niya na hindi na lang siya uuwi ng bahay dahil hindi ko alam ang p'wede kong gawin sa kanila," natatawang sabi niya rito ngunit seryoso ang sagot niya. "Mapalad talaga si Khara sa asawa niya," sabi naman ni Mildred na nasa kanyang tabi. "Sigurado na takot si Lander sa iyo Khara kapag nambabae siya." "Syempre naman." Nagpatuloy sa pamimili si Khara. Hindi niya inintindi ang mga tsismis na kanyang naririnig. Tungkol sa pakikiapid ng asawa ni Edna sa pinsan nito mismo. Nakita niya sa palengke si Mang Tomas na kasama ni Aling Lupe. Nilapitan siya ng mga ito. "Mang Tomas, akala ko ba mag-aani kayo ni Lander?" nagtatakang tanong niya rito. "Kanina ko pa siya hinihintay sa bahay. Wala pa naman siya baka kako nasira ang harvester ninyo kaya wala pa siya. Noong nakaraan kasi napahirapan sa pag-abante kaya umusok iyong harapan. Baka iyon ang problema kaya wala pa si Lander," ani Mang Tomas. Hindi iyon alam ni Khara dahil wala namang nababanggit si Lander sa kanya. Siguro hindi na siya nito gustong mag-alala kaya hindi na nito sinabi sa kanya. "Baka nga ho nasa pagawaan dahil wala naman sa bahay kaninang nagpunta ako." "Nakita nga pala namin sa bahay ninyo iyong kapatid mo si Katarina. Okay lang ba sa asawa mo na ganoon kung manamit ang kapatid mo, Khara? Baka kasi mamaya---" "Naku, baka matulad kay Edna at sa pinsan niya? Aling Lupe, kilala ko po ang kapatid ko at si Lander. Noong nasa Manila pa kami ganoon na talaga si Katarina parang kapatid na niya kung ituring si Lander. Ganoon ho talaga manamit ang kapatid ko dahil sa Manila tumira ng matagal at naimpluwensyahan din ng mga makabagong style sa pananamit kaya ganoon," paliwanag ni Khara rito. "Kaya pala, Khara. Ibang-iba ka kasi sa kapatid mo. Mula noong tumira kayo ni Lander dito at ipakilala ka niya sa akin hindi pa kita nakita na nagsuot ng maikling short at spaghetti na sando. Palagi kang nakasuot ng t-shirt at mahabang palda kung minsan nakapantalon ka lang at t-shirt pa rin. Ibang-iba nga talaga ang mga taga-Maynila," sabi pa nito sa kanya. "Naku, Khara. Pagsabihan mo iyang kapatid mong si Katarina. Kung matino man si Lander ang mga ibang mga lalaki na makakakita sa kanya baka isipan siya ng masama lalo na kung palagi siyang naiiwan mag-isa sa bahay ninyo," nag-aalalang sabi ni Mildred. Bumuga siya nang malalim at saka tumango. "Pinagsabihan ko na siya pero matigas pa rin talaga ng ulo, Mildred. Hayaan mo pagsasabihan ko ulit dahil para na rin iyon sa kapakanan niya." "Khara, mauna na nga pala kami ni Tomas. Bibili pa kami ng karneng baboy para may maipaulam bukas kapag natuloy ang pag-aani," pagpapaalam ni Aling Lupe sa kanya. "Sige ho," magalang na sagot ni Khara sa mga ito. "Hindi ko pa nakita iyong kapatid mong si Katarina, Khara. Minsan ipakilala mo nga ako sa kanya," natutuwang sabi ni Mildred sa kanya. "Sige, mahilig sa mga sexy na damit iyon at mga cosmetics. Baka may magustuhan sa mga paninda mo at bumili sa iyo," nakangiting sabi naman niya rito. Namilog ang mga mata ni Mildred. "Maganda nga iyan, Khara. Para naman makabenta ako sa kapatid mo kapag may magustuhan siya. Bukas bebentahan ko siya kapag makita ko siya sa binyag. Isama mo siya, ha. Ipapakilala ko siya sa binata kong kapatid na si Leo." "Hindi ba nag-aaral pa lamang iyon? Ikaw talaga mas matanda ng dalawang taon si Katarina kay Leo." "Problema ba iyon, Khara? Okay lang iyon para naman magkaroon na ng love life ang pihikan kong kapatid," masayang sabi nito sa kanya. Binalingan ni Khara sina Aling Carmen at Aling Mirasol na nagbabayaran sa mga binili nilang gulay. May baboy naman ng kinatay kaya mga gulay at pampalasa na lamang ang bibilhin nila. Naririnig pa rin ni Khara ang tsismisan patungkol kay Edna. Bumuga na lamang nang malalim si Khara. Naaawa siya sa anak ni Edna, palaging ang mga anak ang naapektuhan sa problema ng kanilang mga magulang. "KATARINA..." umuungol na sambit ni Lander habang nasa ibabaw niya ito. Nakaupo at nakasandal siya sa upuan habang gumigiling si Katarina sa kanyang kandungan. Pagkatapos nilang maligo heto muli sila sa may sala. Nakabihis na siya upang umalis sana at ganoon din si Katarina ngunit heto silang dalawa at muling pinapainit ang isa't isa. Umiindayog ang malulusog na dibdib ni Katarina sa kanyang harapan. Inilabas niya ang kanyang dila upang hagurin ang mga iyon magkabilaan. "Oohhh... Lander. Ang sarap talaga... ahhh... sige pa... himasin mo ang mga dibdib ko... ohhh... fck!" malakas na sabi nito at saka siya sinabunutan. Hinawakan niya ang magkabilang dibdib nito at nilamas ang mga iyon. Mistulan siyang uhaw na sanggol habang sinusus* niya ang mga ito. Galit na galit ang kanyang sandata sa loob ng kanyang brief. "Ahhh... Katarina... nag-iinit na naman ako sa iyo. Nginisihan siya nito. Idinikit nito ang bibig sa kanyang tenga. "Palagi akong magsusuot ng maikling short at hindi ako magpapant* para hindi ka na mahirapan kapag gusto mo akong angkinin, Lander. Ipasok mo na... ahhh... kanina pa ako basang-basa at nanabik... kapag nakikita kita nag-iinit ako... alam mo bang gabi-gabi kong nilalaro ang lagusan ko habang iniisip kita. Inuungol ko ang pangalan mo, Lander." Pinagapang niya ang kanyang kamay sa pagitan ng hita nito at naramdaman niya ang mainit at basang-basa nitong lagusan. "Ohhh... Lander... ipasok mo. Sige na... laruin mo." Dinilaan ni Katarina ang kanyang leeg. At hinagkan ang kanyang leeg. Kinagat nito iyon at sa ginawa nito mas lalo lang siyang nag-init. Ipinasok niya ang kayang dalawang daliri sa loob ni Katarina. Malakas ang nagagawang tunog ng paglalaro niya sa lagusan nito. "Ahhh... masarap ba?" umuungol na tanong niya rito. "Sobra... sige pa... uhmm. Lander... mahal na mahal kita... ahhh." "Ohhh... Katarina. Nahihibang na ako sa iyo... paano ko pa magagawang iwan ka ngayon. Nawawa ako sa katinuan dahil sa iyo. Ang sarap mo... ang galing mo... Katarina." Lumiyad si Katarina habang nilalaro ni Lander ang lagusan niya. "Ohhh... lalabas na..." Hinatak nito ang batok niya at hinagkan nito ang mga labi niya. Ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya at ganoon din ang ginawa niya rito. Bumaba si Katarina sa kandungan niya at tumuwad ito sa kanyang harapan. Yumuko si Lander upang dilaan ang basa nitong lagusan. Inilihis niya ang maikling short nito at saka niya sinipsip ang katas ni Katarina. "Uhhh... Lander... ang sarap... ahhh... ipasok mo na... sige na... ahhh." Tumayo si Lander at binuhat si Katarina patungo sa silid nito. Isinara niya ang bintana at ang pinto. Pumaibabaw siya kay Katarina at saka ipinasok ang kanyang kahabaan sa lagusan nito. "Ohhh... Lander..." Mahigpit na hinawakan ni Katarina ang kanyang balikat. "Ahhh... Katarina... ohhh... ang sikip sikip mo... ahhh..." Kinagat niya ang ibaba niyang labi habang inaangkin ito. Inilapit ni Lander ang kanyang mukha kay Katarina. Hinaplos nito ang kanyang likod. Itinaas din nito ang magkabilang paa at inipinatong sa bewang niya. Isinagad ni Lander ang kanyang kahabaan sa lagusan ni Katarina. "Ohhh... fck..." anas ni Katarina na halos mabaliw sa kanyang ginagawa. Biglang bumigay ang papag dahil sa malalakas niyang pagbayo kay Katarina. Tinawanan siya nito ngunit itinuloy pa rin nila ang kanilang ginagawa. "Ohhh... lalabasan na ako... Katarina... shttt!" nabablaliw na ungol ni Lander. Hinatak siya ni Katarina at mahigpit na niyakap. Hindi niya nahugot ang kahabaan sa lagusan nito. Nanghihina siyang huminga at kinagat ang kanyang ibabang labi. Hinaplos pa niya ang mukha ni Katarina pagkatapos niyang marating ang rurok. Hinagkan ni Katarina ang kanyang leeg. "I love you, Lander. Sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako... please... Lander." Tinignan niya ang mukha ni Katarina at saka siya ngumiti. "I love you too. Hindi ko na kayang mawala ka pa sa buhay ko, Katarina. Ako lang ang magiging lalaki sa buhay mo... paligayahin kita." "Paano si Ate Khara? Mahal mo rin siya 'di ba?" "Mahal ko siya... mahal din kita... at sa iyo lang ako nabaliw ng ganito sa s*x Katarina. Hindi katulad ng kapatid mo na wala ng ibang ginawa kun'di humiga sa kama at hintayin ako. Nakakasawa ang ganoon... ngunit ako ang nauna kay Khara." "Paano kaya kung maghanap na lang tayo ng maliit na paupahan. Iyong malayo rito para maitago natin kay ate ang relasyon nating dalawa?" Naiisip na rin niya iyon dahil hindi na niya gustong makuha pa ng iba si Katarina. "Sige... ako na ang bahala. May pera kami ni Khara sa bangko alam ko naman na hindi siya magagalit kung sakaling bawasan ko iyon." Hinaplos ni Lander ang mukha ni Katarina. "Mukhang kailangan kong uminom ng alak mamayang gabi para maangkin ulit kita," nakangising sabi niya rito. "Mangako ka na hindi mo na gagalawin pa si Ate Khara. Sa akin ka na lang, Lander." Tumango naman siya rito. "Sa iyo lang ako... basta mamayang gabi... puntahan mo ako sa malaking mangga. Hihintayin kita roon." Hinagkan niya ang mga labi ni Katarina. Hindi alam ni Lander kung pagmamahal nga ba ang nararamdaman niya para kay Katarina o pagnanasa dahil hindi na niya kayang tanggihan pa ito. Gagawin niya ang lahat upang hindi maghinala sa kanya si Khara. Hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya ngunit hindi naman niya kayang pigilan ang init ng kanyang katawan. NAGHAHAPUNAN sila at nakaharap si Lander kay Katarina. Nagkatinginan silang dalawa habang kumakain. "Mahal, naaalala mo si Edna? Iyong kapitbahay nila Mildred?" Binalingan niya si Khara. "Ba-Bakit mahal? Ano ang nangyari sa kanya?" "Alam mo mahal nakakalungkot dahil inagaw daw ng pinsan ni Edna iyong asawa niya. Ang masakit pa pinatira niya mismo sa bahay nila iyong pinsan niya. Walang utang na loob." Napalunok siya sa sinabi ni Khara. Nag-iwas naman ng tingin si Katarina at napainom ito ng tubig. "Ang... ang lungkot naman ng balita nyan, mahal." Bumuga ng malalim si Khara at tumango sa kanya. "Kawawa nga iyong anak nila na apektado sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Umabot na raw sa Barangay, mahal. Nakakahiya iyon... mabuti na lamang at kapatid kung ituring mo si Katarina, mahal. Alam mo sabi ko nga kay Mildred kanina siguro kung ako ang nasa katayuan ni Edna baka kung ano magawa ko kapag nahuli ko ang asawa ko na nakikiapid sa iba," may panggigigil na sabi ni Khara at hinigpitan pa ang hawak sa kutsara. "Mahal, hindi ka dapat nagpapaapekto sa mga ganyan na isyu. Hayaan mo na lang sila dahil buhay na nila iyon, mahal." Iniyuko ni Lander ang kanyang ulo sa harapan ng kanyang asawa at nagkunwaring abala sa pagkain. "Ate... baka naman kasi ipinagpalit itong si Edna ng asawa niya sa pinsan niya dahil magaling kama." Hinampas ni Khara ang braso ni Katarina. "Ikaw talaga puro ka kalokohan! Hindi rason iyon para ipagpalit na lang basta si Edna ng asawa niya, Kat. Tignan mo nga tumayo pa ang mga balahibo ko sa sinabi mo. Kumain na nga lang tayo baka kung ano pa ang sabihin mo." Tumawa si Katarina at nanunuksong tumingin sa kanya. Hindi tuloy niya magawang lunukin ang kinakain niya sa sobrang kaba. Kilala niya si Khara alam niyang mabait ito ngunit matindi rin kapag magalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD