INAAYOS ni Khara ang kanyang mga gamit sa bag pack niya na nasa sala nang lapitan siya ni Daimon. Galing ito sa café at nag-inventory ng mga stocks. Inayos na rin nito ang payroll ng mga empleyado. Isang taon lang naman siya mag-aaral sa Manila upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng ng BSEd o Bachelor in Secondary Education. “Misis ko, aalis lang ako sandali dahil may kakausapin kaming supplier ng yelo ni Mang Pidoy. Nagkaroon daw kasi ng problema.” Mabilis siya nitong hinagkan sa noo. “Babalik din naman kami kaagad.” Tinalikuran na siya nito ngunit biglang bumalik. Sinapo nito ang noo at saka ngumiti sa kanya. “Ikaw na muna pala ang bahala kay Seth. Makulit siya at tsismoso. Baka mamaya narito na siya dahil sinabi ko sa kanya na nakauwi na tayo galing ng Zambales.” Binuksan nito ang

