“Kagabi ko pa napapansin na matamlay ka, misis ko? May problema ka ba? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako. Sumama ka nga sa party kagabi pero napakatahimik mo naman. Bigla tuloy akong nanibago sa iyo.” Tumingin si Khara kay Daimon na malungkot habang nakaupo sa may gilid ng swimming pool. Nakatampisaw naman siya sa tubig at nakatingin dito. Hindi siya nakatulog dahil sa kanyang pag-iisip kay Katarina. Imbes na maging masaya ang bagong taon niya ay napalitan iyon ng lungkot at pag-aalala. May kutob si Khara na may hindi magandang ginagawa ang kapatid niya. “Nalulungkot ka ba dahil kay Katarina? O dahil may iba ka pang naalala bukod sa kanya?” Sa tingin niya ay nagseselos ito o kaya iniisip nito na malungkot siya dahil naalala pa niya si Lander. Bumuga siya nang malalim at saka inil

