NASA DIVISORIA si Khara kasama ang kanyang mga kaklase dahil nagkayayaan sila ng kanyang mga kaibigan na mamili roon ng damit na isusuot nila sa paparating na University Night. Ipinaalam naman niya kay Daimon ang kanyang lakad at pumayag naman ito. Hindi rin naman siya masusundo nito dahil kasama nito ni Seth. Sumunod lamang si Khara sa mga kaibigan niya. Hindi rin niya kabisado ang pasikot-sikot. May store silang nakita na puro bridal gown ang itintinda. Nalula siya sa mga presyo ng mga iyo may nagkakahalaga pa ng kalahatiny milyong piso. Samantalang iyong wedding gown na isinuot niya noong ikinasal siya kay Lander ay nirentahan lamang nila. “Migs, tignan mo si Khara, ibang gown yata ang gustong isuot?” pagbibiro sa kanya ni Nicole. “Hindi pa nga kita nililigawan, e,” mahinang sabi

