Kabanata 72

1881 Words

GUMAAN ang pakiramdam ni Katarina dahil napapayag niya si Lander na umalis ng Pampanga. Natatakot siya baka bigla siyang hanapin ni Daimon at sabihin ni kay Lander ang ginagawa niya sa Makati. Lalo na kapag nagsumbong na ito kay Khara na hindi nito malabong gawin. Hindi dapat malaman ni Lander ang tungkol sa kanyang sikreto dahil alam niya na magagalit ito sa kanya. At baka kasuklaman pa siya nito. Kinuha niya kay Levi ang mga ipon nito sa bangko dahil sinabi niya rito na kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang ama. Kinailangan niyang magsinungaling para may magamit siyang pera sa paglipat nila ng tirahan ni Lander. Kasalukuyan na nasa itaas ng bubong si Lander. Tinutulungan nito ang dalawang lalaki na gumagawa sa itaas ng bahay nila. Nasa labas naman siya at nakaduyan sa i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD