"Miss, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isang matandang tindera kay Khara. Halos mabitawan kasi niya ang hawak na plastic ng dried mangoes na kinakain niya. "O-Opo," nauutal na sagot ni Khara sa matanda. Ibinalik ni Khara ang tingin sa katapat niyang grocery store. Inihakbang ni Khara ang mga paa patawid sa kabilang linya ng kalsada. Ngunit may nakabanggaan siya. Nahulog mula sa kamay ng babaeng nasa harapan niya ang cellphone nito na kaagad naman nitong pinulot. Tumingin si Khara sa mukha ng babae at laking gulat na lamang niya nang makita ang kanyang kapatid. Nanlaki din ang mga mata nito nang makita siya. "A-Ate Khara, ano... anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong nito. Sa itsura ni Katarina mukhang nakapambahay lamang ito. Hindi naman ito mukhang uuwi ng apartment ni

